CHAPTER 56 ♥ FRIENDS

Comenzar desde el principio
                                        

"Mukhang okay na kayong dalawa ah?"sambit ng pamilyar na boses ni Charles, kasunod niya sina Sky at Lawrence.

"Oo, okay na kami."nakangiting sagot ko. "Eh kayo ba? Okay na kayo ni Nadine?"tanong ko kay Charles.

At tumango naman siya. "Nanghingi siya ng sorry bago kami pumunta nila Lawrence dito."sagot naman ni Charles.

"Okay na ang lahat, 'yong ex mo nalang Sky ang problema."sambit ni Lawrence.

"Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko don para tigilan na niya si Camille eh."singhal ni Sky.

"Ako na ang bahala."makahulugang sambit ni Nadine. Kung ano man ang pinaplano niya, sana magtagumpay siya at mapatigil niya si Milliseth sa mga maling gawain niya.

"Wala nang mang wawasak ah?"singit pa ni Sky. Nakangiting tumango naman si Nadine. Pumunta muna kami sa pinakamalapit na restaurant dito at naghapunan muna.

"Saan ka manunuluyan ngayon?"tanong ko kay Nadine habang kumakain.

"Duon sa hotel kung saan ka nagste-stay, magkatabi lang tayo ng kwarto."sagot ni Nadine.

"Talaga?"ulit ko pa. At tumango naman siya. "Eh kayo naman Sky at Lawrence?"baling ko sa kanila.

"Magkakatabi kami ng kwarto nila Charles, 'yong kaharap ng kwarto mo."sagot ni Sky. Napailing nalang ako, bakit hindi ko napansin kaagad?

Nang matapos kaming kumain ay nauna na sina Lawrence, Sky, at Nadine sa hotel.

"Hindi pa ba tayo babalik?"tanong ko kay Charles. Gulat akong napatingin sa kamay ko nang hawakan niya ito.

"Oh, bakit ganiyan ka maka-react?"nakangising tanong ni Charles.

"Hindi lang ako sanay."sagot ko sa kaniya, saka kami nagsimulang maglakad. "Bakit nga pala hindi tayo sumabay sa kanila?"pag-iiba ko.

"Gusto kitang masolo."kaswal niyang sagot. "Alam mo ba, gustong-gusto ko nang magpakilala sa'yo sa school, kaso pinipigilan ko ang sarili ko para ma-surprise kita."dagdag pa niya at nakikinig lang ako sa kaniya.

"WAAAAH."sambit ko paglanghap ko sa sariwang hangin. "Ang sarap sa pakiramdam."sambit ko pa.

Iniharap niya ako sa kaniya, at niyakap ng mahigpit. Tumugon naman ako sa yakap niya. "Hindi ko alam na darating ang araw na 'to."sambit niya habang nakayakap sa akin. "Datirati lang ay ayaw ko sa'yo, ngayon ay gustong-gusto ko na kita."dagdag pa niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na wala ng humahadlang sa inyong dalawa.

Bumitiw siya mula sa pagkakayakap sa akin, tinanggal niya ang coat niya at ipinasuot ito sa akin. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora