"Ayoko munang pangunahan gusto ko kasi pag uwi ng asawa ko tsaka ako mag papacheckup eh." Sabi ko.


"Okay it's up to you Ruby." Masayang sabi ni Sofie. Ilang oras din kaming nagkwentuhan hanggang sa mapagpasiyahan na niyang umuwi dahil mag didilim na at dumating si Nikko para sunduin siya.

..

"Jen pakidala na si Gav sa kama nahihilo kasi ako e hindi ko kayang tumayo baka matumba kami." Sabi ko at iniabot na si Gav kay Jen. Nakabalik na ito at masaya ako dahil patuloy padin ang serbisyo niya sakin.



"Mam ayos lang ba kayo? Namumutla na po kasi kayo." Sabi niya matapos ihiga si Gav sa kama.



"I'm okay medyo masama lang siguro ang tulog ko kahapon hindi pa kasi tumatawag si sir Jacob mo."



"Nako mam wag kayo mag papa stress masisira ang beauty niyo niyan. Tsaka mam pansin ko lang po parang nananaba po kayo pero sexy padin kayo mam wag ka mag alala ahm yung face niyo lang po nagkakalaman."




"Yan nga din ang nararamdaman ko e. Siguro kakakain ko to haha ang takaw ko kasi lately e." Sabi ko.



"E bat nga pala kanina sinuka niyo yung inihanda ko nako mam baka naman buntis na kayo? Matutuwa si sir niyan!" Masayang masayang pagkakasabi niya.


Lalo lang tuloy akong napaisip at pinagdarasal kong sana nga ay tama ang hinala nila. Sana mag kaanak muli kami ni Jacob.



"Ang bilis naman po ni Sir mam kaka two years lang ni baby Gav masusundan na agad."




"Nako Jen hindi pa nga tayo sigurado wag ka muna mag assume Jan baka umasa ako tapos biglang di naman pala."


"E mukha po kasing preggy kayo e dahil minsan talo niyo pa ang may PMS pag inaaway niyo si Sir." Pagbibiro nito.




"Hay nako gusto mo sayo ko ibuhos ang inis ko ngayon? Hindi pa tumatawag ang sir mo naiinis na ako."



"Nako mam wag kayo mainis sakin gusto niyo ba pag nagkababy kayo maging kamukha ko? Syempre ayaw niyo non diba haha." Pag loloko nanaman ulit nito. Nagtawanan kami hanggang sa....




Ring! Ring! Ring!....


"Mam baka si sir na yan oh speaking."



Lumabas na si Jen at sinagot ko na ang tawag.


..

"Hello Wife sorry ngayon lang ako nakatawag sobrang busy kasi at ngayon lang nagkasignal." Si Jacob nga ang tumawag. Mukhang ngayon nga lang siya may signal dahil sa hindi ko siya makontak lately.



"How are you my beautiful Wife? Ang prinsipe natin kamusta na? I'm fucking miss you. I miss your kiss, I miss your lips, miss those eyes, your hug, Soft touch. Miss your wonderful body. Damn I can't wait to see you soon." Puno ng pagmamahal at excitement na pagkakasabi niya.




"I miss you too hub. I can't take this anymore I want to see you, touch you, kiss you. Make love with you."




"Don't worry uuwi nadin ako soon my wife wait for me okay? I love you so much remember that."




Madamdamin man ang pag uusap namin ng asawa ko ay ayos lang bastat magkausap kaming mag damag at masaya kami.



Matagal din ang naging paguusap namin na inabot ng 2oras ng magpasiya na kaming magpahinga...


____

Kinaumagahan ay nagpasiya akong mag grocery dahil naubos na ang laman ng ref kaya iniwan ko muna si Gav kay Jen at nag tungo nako sa supermarket dala ang sasakyan ko.



Pagkatapos ang matagal kong pamimili ay nag pasiya na akong ilagay lahat sa likod ng sasakyan ko ng biglang...




"Wag kang gagalaw!" May 3 armadong lalaki ang humawak sakin habang ang isa naman ay may tinakip sa mukha ko na panyo na merong kakaibang amoy na masakit sa ulo.




"Bitawan niyo ako!"




"Bitawan niyo ko!" Nanlalaban ako kahit pa hindi ako makasigaw dahil sa panyo na nakatakip sa bibig at ilong ko.




"Bitawan niyo sabi ako!"




"Bitawan niyo-"




Hindi nako nakapagsalita ng bigla na lamang mandilim ang paningin ko at binalot na ako ng dilim.

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now