"Isang taon?!"

"Isang taon?"sabay naming gulat na sabi ni Lawrence.

"Oo, isang taon."sagot ni Charles.

"Napakatagal naman ata?"sambit ko pa.

"Kaya nga gusto ko na siyang puntahan at liwanagin ang lahat sa kaniya."paliwanag pa ni Charles.

"Liwanagin ang ano?"takang tanong ko. Ikwinento niya sa amin ang tungkol kay Nadine.

"I'm so disappointed."umiiling-iling na sambit ni Lawrence.

"Best actor ka ano? Bagay kayong dalawa, mga artista."nakangising sambit ko kay Lawrence. Sumimangot lang ito.

"Samahan niyo na ako kay Ms. Bas."aya ni Charles at sumama kami sa kaniya.

Sa office...

"Ms. Bas, nasa SoKor na po si Camille diba?"tanong ni Charles.

"Yes, nasa Korea na siya."tango ni Ms. Bas.

"Puwede niyo ho ba siyang palipatin sa isang expensive na hotel, kung saan magiging komportable siya? Ako ho ang magbabayad, gamitin niyo ang allowance ko dito sa school."pakiusap ni Charles. Nakikinig lang kaming dalawa ni Lawrence sa isang gilid.

"Are you sure Mr. Andrada?"tanong pa ni Ms. Bas.

"Yes ma'am. Gusto ko rin po na bigyan siya ng guard para magbantay sa kaniya."sagot ni Charles.

"Sino naman ang ipadadala namin?"tanong ni Ms. Bas. Gulat kaming napatingin kay Charles nang ituro niya kami ni Lawrence.

"Sila po ang ipadadala ninyo."sagot ni Charles.

"Sige, tutal sembreak naman na. Sila nalang."pagsang-ayon ni Ms. Bas. Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa gagawin ni Charles, isa na doon ang huwag ipaalam kay Camille.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora