SKY'S POV
"Siraulo ka talaga, bakit tinawag mo 'kong Sky?"inis kong sambit kay Lawrence, nagkamot lang ito ng ulo.
"Eh tayong dalawa lang naman ang nandoon, hindi ko naman alam na lilitaw si Camille."sagot naman nito.
"Kapag nalaman ni Camille na tayo 'to, yari tayo kay Charles."sambit ko pa. "Mag-iingat ka sa susunod."dagdag ko. Tumango lang ito.
Kami sina Bartolome at Jose, tama ang hinala niyo, kung naghihinala nga kayo. Ako si Bartolome at si Lawrence naman si Jose. Tinulungan namin si Charles, hindi na kami tututol pa, masisira lang ang pagiging magkakaibigan namin. Susuportahan nalang namin sila.
Nalaman narin namin ang mga kasinungalingan ni Nadine,'yong kesyo mamamatay na siya. Dismayadong-dismayado kami sa kaniya, hindi namin alam na magagawa niya ang bagay na iyon.
Ganito ang nangyari kung bakit kami napunta dito.
Flashback...
"Lawrence, Sky."tawag sa amin ni Charles.
"Oh bakit?"sagot ko sa kaniya.
"Puwede niyo ba akong tulungan?"tanong sa amin ni Charles. Ang itsura nito ay parang pinagbagsakan ng langit at ng lupa.
"Magpapatulong ka? Dahil magpaparehab ka? Nag-drugs ka ano?"sagot ni Lawrence. Binatukan ko siya.
"Siraulo ka talaga kahit kelan, kinakausap tayo ng maayos eh."singhal ko.
"Sorry na."sambit nalang nito.
"Ano ang maitutulong namin sa'yo?"baling ko kay Charles.
"Samahan niyo akong sundan si Camille sa SoKor."sagot nito.
"Bakit naman? May importante siyang ginagawa don eh."tutol ni Lawrence.
"Tutulong ka ba o ano?"pinanlisikan ko siya ng mata. Napakadaldal mo talaga pandak.
"Hindi ako mapapakali rito nang hindi siya nakakausap, lalo na't narinig kong isang taon siya doon."paliwanag ni Charles.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 55 ♥ YES
Start from the beginning
