CHAPTER 51 ♥ CAMPING #3

Start from the beginning
                                        

"Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo."sagot niya.

"Makipagbalikan ka kay Nadine."deretsahan kong sambit.

"Ikaw ba ang may kahilingan niyan o si Nadine?"tanong niya pa.

"Ako ang may gusto, hindi si Nadine."sagot ko sa kaniya.

"Wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Ikaw na ang mahal ko."pagpipilit niya. Hindi na ako nakapagsalita, bagkus ay bumagsak na ang mga luha ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, at hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.

Hinalikan niya ako.

Nang maglapat ang aming mga labi, doon ko nailabas ng todo ang aking mga luha.

'Isang halik na gugustuhin mong tugunan, pero nag-aalangan ka dahil naglalaban ang puso't isipan mo. Dalawang bagay ang pumapasok sa isipan mo, ang mahal mo at ang kaibigan mo.'

Hindi ko na pinatagal pa at tumakbo na ako palayo sa kaniya. Bumalik na ako sa site.

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa mga ginagawa naming aktibidad. Kung kailangan kong umiwas, iiwas ako.

CHARLES' POV

Hanggang ngayon ay nandito parin ako sa tabing-dagat. Paulit-ulit na iniisip ang mga sinabi ni Camille. Hindi ko kayang gawin ang kahilingan niya, napakahirap para sa akin, at alam kong gayun din sa kaniya.

May pakiramdam akong kahilingan 'yon ni Nadine. Pero bakit isasaalang-alang niya ang kasiyahan niya para lang sa kaibigan niya? Ano naman kaya ang ginawa ni Nadine para gawin 'yon ni Camille.

Mas lalo tuloy lumalayo ang loob ko kay Nadine.

"Hey Charles."sambit sa akin ng isang taong hindi ko gugustuhing makasama. Si Nadine. Naupo siya rito sa tabi ko, kaya umusog ako upang hindi madikit sa kaniya. "Alam mo, kung ayaw naman ng tao sa'yo, 'wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo. Doon ka nalang sa taong naghihintay sa'yo."sambit nito nang makaupo siya.

Alam ko ang ibig sabihin niya, pero hindi parin ako makikipagbalikan sa kaniya.

"Ikaw na nga ang nagsabi, 'wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa taong may ayaw sa'yo. Kaya 'wag mo akong kakausapin o lalapitan, dahil AYAW KO SA'YO."seryosong sagot ko sa kaniya saka tumayo na at naglakad palayo.

Nang bumalik ako sa site, naabutan kong nag-aactivity na sila. Hinanap ng mga mata ko si Camille, agad ko naman siyang nakita. Masaya siya, pero ang saya na 'yon ay alam kong pilit lang. Ramdam ko talagang mahal niya rin ako.

Hindi ko muna pinakialaman si Camille, itinuon ko nalang muna ang atensyon ko sa aming mga aktibidad. Alam kong mas mahihirapan siya kapag ginulo ko ang isipan niya. Hahayaan ko muna siya makapag-isip.

--

Makalipas ang limang araw...

"Bago tayo umuwi ay mag ii-snorkeling muna tayo, kaya magpunta na kayo sa mga bangkang naka-assign na sasakyan ninyo."anunsyo ni Mr. Reyes.

Isa-isa na kaming sumakay sa bangka, syempre nandoon din si Camille. Gusto ko man siyang tabihan, pinipigilan ko ang sarili ko.

"Brad, may problema ba kayo?"tanong sa akin ni Lawrence, dahil siya ang katabi ko. Pansin ko  nung mga sumunod na araw ay hindi na sila nagpapataasan ng puntos kay Camille. Ano kaya ang nangyari? Pinatigil narin kaya sila ni Camille?

"Wala."walang ganang sagot ko kay Lawrence.

"Eh bakit ang tamlay niyo pareho?"tanong pa niya.

"Hindi ko alam."sagot ko.

"May ganon ba?"sambit pa niya.

"Alam mo, ang daldal mo. Pakitikom naman ng bibig mo."sagot ko sa kaniya. Hindi matatapos ang tanong niyan.

"Sorry naman."sambit nito at hindi na nagsalita pa. Ako naman ay ipinikit ko ang mga mata ko nang magsimulang umandar ang bangka.

Hanggang sa...

"CAMIIILLE!"rinig kong sigaw ni Odessa. Agad akong napamulat at tignan kung ano ang nangyari.

Wala na si Camille sa kinauupuan niya at nasa dagat na. Walang anu-ano at tumalon na ako sa dagat upang sagipin siya. Huminto naman ang bangka na aming sinasakyan. Bakit ba naman kasi nalaglag siya? Saka bakit wala siyang safety vest?

Mabuti nalang at marunong akong lumangoy.

Nang maibalik ko si Camille sa bangka, itinapat ko ang tainga ko sa bibig niya. Ngunit walang hangin, kaya ang ginawa ko ay CPR (Cardiopulmonary Resuscitation).

*UBO *UBO

Napayakap akong bigla sa kaniya nang magkamalay siya. Ilang sandali pa at bumitaw na ako sa kaniya.

"Ano ba naman kasi ang nangyari?"baling ko kina Odessa.

"S...si N...Nadine kasi."utal na sagot niya.

"Anong ginawa mo Nadine?"diretsang tanong ko kay Nadine. Nakatungo lang siya. "Mag-usap tayo mamaya Odessa."baling ko nalang kay Odessa, dahil alam kong hindi magsasalita si Nadine.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now