"Huwag mo muna akong kausapin."sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
JAMES' POV
"Nadine, nahihibang ka na ba?"hindi makapaniwalang sambit ko kay Nadine, nang malaman kong tinapos na niya ang pagiging magkaibigan nila ni Camille.
"Tinatraydor niya ako!"galit na sagot ni Nadine saka naupo sa isang tabi.
"Wow."singhal ko. "Siya pa talaga ngayon ang traydor? Tignan mo ang sarili mo Nadine, saka sabihin mo kung sino ang traydor."sambit ko. Napatingin naman siya sa akin. "Katulad ng sinabi mo sa kaniya, para tulungan ka niyang maibalik sa'yo si Charles. Na mamamatay ka na? Na may taning na ang buhay mo, dahil hindi naging successful ang operation mo? Sino ngayon ang traydor, ha Nadine?"sambit ko pa.
"Kasi mahal ko si Charles kaya ginagawa ko ang lahat ng 'to."sagot niya sa akin na may hinanakit sa dibdib.
"Magising ka na kasi sa katotohanang hindi ka na niya mahal!"hindi na ako nakapagpigil pa. Tumayo siya at sinampal ako.
"Ano bang pakialam mo kung mahal ko pa siya? Bakit hindi mo nalang ako suportahan? Ha?!"sambit pa ni Nadine.
"Dahil hindi ko tinotolerate ang mga masama mong gawain, nakakasakit ka na ng tao. Nasaan na ang dating Nadine? 'Yong mabait na Nadine na nakilala ko? 'Yong mapagkumbaba? Ibang Nadine na ang kaharap ko."sambit ko pa at saka siya tinalikuran.
Naaawa na ako kay Camille, kitang-kita ko na hirap na hirap siya. Gusto ko man siyang tulungan pero hindi ko magawa, dahil inaalala ko rin si Nadine. Nahihirapan akong kumbinsihin si Nadine.
--
Kinabukasan...
CAMILLE'S POV
Kinaumagahan nang tumila na ang ulan, nagsibalikan na kami sa kani-kaniyang site upang itayong muli ang mga tent namin.
"Camille."pang-ilang beses nang tawag sa akin ni Charles. Pumapasok sa kabilang tainga, lalabas naman sa kabila pa. Iiwasan ko si Charles hangga't maaari, lalo na kapag nandiyan si Nadine at nakabantay sa amin.
"Bilisan niyo na ang pagtatayo ng tent niyo, mag-uumagahan na tayo."sambit ko sa aking mga kasamahan.
"Camille, bakit ba hindi mo ako kinakausap?"tanong sa akin ni Charles nang madatnan niya ako. Humugot muna ako ng lakas ng loob at saka siya hinila palayo. "Bakit hindi mo ako kinakausap? Okay naman tayo kahapon ah?"ulit pa niya ng makarating kami sa tabing-dagat.
"Itigil mo na ang panliligaw sa akin."buong loob kong sambit. Ramdam kong tutulo ang mga luha ko sa anumang oras.
"Ano kamo?"takang tanong niya.
"Ang sabi ko, itigil mo na ang panliligaw sa akin."ulit ko pa.
"Pero bakit? Hihintayin naman kita kahit kailan ka maging handa na sagutin ako."sambit nito sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pakikiusap.
'Gusto man kitang sagutin ngayon, ngunit hindi maaari. Ayoko na mawalan ng pag-asa na maibalik ang aming pagkakaibigan ni Nadine.'
"Dahil wala kang mapapala sa akin."sagot ko sa kaniya.
"Mayroon akong mapapala sa'yo Camille, dahil ramdam kong mahal mo din ako."sambit niya saka hinawakan ang dalawang kamay ko. "Mahal na mahal kita Camille."sambit pa niya. Nagsimula nang bumagsak ang kaniyang mga luha.
'Mahal din kita.'
"Mahal mo ako diba?"lakas loob kong sambit. "May kahilingan ako, at sana ay tuparin mo."sambit ko pa.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 51 ♥ CAMPING #3
Start from the beginning
