Nakatayo si Charles sa may tapat ng pintuan ng tent namin, habang taban ang malaking payong.
"Huwag mo nang buksan 'yang payong mo, dito ka nalang sa akin."sambit ni Charles. Hindi na ako nag-alangan pa dahil sobrang lakas ng ulan. Natatandaan ko pa nong time na umuulan din, nagsalo kami sa coat niya.
Tuluyan na akong lumabas at nakisilong sa payong niya, bago pa man kami umalis ay inabutan niya ng payong sina Sophie at Quiana.
Gulat akong napatingin sa kaniya ng akbayan niya ako at idikit sa kaniya. Gusto ko mang mawala 'tong nararamdaman ko, hindi ko magawa.
"AAAHHHH!"rinig kong inda ni Nadine, kaya tumingin ako sa gawi niya.
"Tulungan natin si Nadine."sambit ko kay Charles.
"Tutulungan na 'yan siya ni James."sagot ni Charles nang hindi tumitingin kay Nadine. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Pinabalik kaming lahat sa bus, magpapalipas daw muna kami ng gabi doon. Mahirap na daw kung lilipat pa kami ng lugar at madilim na saka madulas ang daan.
Nang makaakyat kami sa bus, binigyan kaagad ako ni Charles ng towel. "Magpunas ka, dahil baka magkasakit ka na naman."sambit nito sa akin. Lumalabas na naman si Tatay Charles. Kami ang nauna dito sa bus.
"Camille."tawag sa akin ni Charles saka naupo sa tabi ko. Sa hindi inaasahan ay nagkatagpo ang aming mga mata, na naging resulta ng panandaliang katahimikan.
Ramdam kong namumuo na ang luha ko sa gilid ng mata ko, kinakagat ko nalang ang labi ko para iwasan na bumagsak ang luha ko.
Hanggang sa...
"Huhuhu..."paghagulgol ko nang yakapin siya. Tumugon naman siya sa yakap ko, at hinagod-hagod ang likuran ko.
"Why? What happened?"tanong nito sa akin. Nakayakap parin ako sa kaniya.
"Camille."rinig kong sambit ng pamilyar na boses ni Nadine. Agad akong bumitaw kay Charles, at tumingin kay Nadine. Nagmadali sa pagbaba si Nadine at hinabol ko naman siya.
"Nadine!"malakas na tawag ko habang sinusugod ang malakas na ulan.
"Akala ko ba tutulungan mo ako?"galit na sambit ni Nadine. "Huwag mo 'kong hawakan."dagdag pa nito nang lumalapit ako sa kaniya.
"Hindi ko sinasadya."sagot ko sa kaniya habang tumatangis.
"Akala ko kaibigan kita, pero nagkamali ako. 'Yon na nga lang ang hinihiling ko sa'yo, pero hindi mo pa ako nagawang pagbigyan."sambit niya habang tumatangis narin.
"Sorry, hindi ko na uulitin."paumanhin ko.
"Tapos ano? Lalapit ka na naman kay Charles?"sambit pa niya na may galit sa dibdib. Pero umiling-iling ako.
"Tapusin na natin ang pagiging magkaibigan natin."buong loob na sambit ni Nadine na ikinalugmok ko sa lupa. Hindi na ako nakapagsalita at nagpatuloy nalang sa pag-iyak, linayasan na niya ako.
Hindi ko alam kung anong susundin ko, ang puso ko ba o ang isip ko, gulong-gulo na ako!
"Camille tumayo ka diyan."rinig kong sambit ni Charles. Tumayo na ako at nagpatiuna sa paglakad, nagtuloy na ako sa bus. "Camille."tawag sa aking muli ni Charles.
ESTÁS LEYENDO
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 51 ♥ CAMPING #3
Comenzar desde el principio
