Blunder

132 4 5
                                    

[AN: Sorry again for the late update! Announcement is that after this UD, I will add one last chap then I will post the episode so please brace yourselves for some ultimate revelations! BTW, Umji on the mutimedia section!]


Sowon's POV




Gaya ng ulan na sa wakas ay tumila na, nagpapasalamat ako na tumigil na rin sa pagtulo ang aking mga luha.



Ngayon, hindi na lungkot at sakit ang aking nadarama. Galit. Nais kong maghiganti sa lahat ng mga taong nagpahirap sa akin. Sina Yuju, Eunha, SinB, at Yerin sa pangunguna ni Umji, silang lahat na akala ko'y aking mga kaibigan, gusto kong paghigantihan silang lahat.



Hindi ako nagkamali sa aking narinig kanina dahil may paparating talaga dito. Mga yapak ang aking narinig kanina at ito ay papalapit sa aking kinaroroonan.



Habang nagtatago sa likod ng pintuan ng rooftop, pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at akin din pinagsikapan na hindi nila marinig ang aking naglalakihang hininga, bunga ng aking pag-iyak kanina.



Hindi lamang isa, kung hindi dalawa. Dalawa silang nagtungo rito nang sila ay aking masilip sa pamamagitan ng napakaliit na butas ng pintuan.



Napakapamilyar ng kanilang tindig. At nang aking makita ang kanilang mukha, tila ako ay naging bulkan sa isang saglit at ito ay papaputok na.



Traydor. Mga traydor sila.



Ngunit bakit sila nandidito at hinahanap ako? Halata naman kase sa kanilang mukha na may hinahanap.



Hindi kaya? hindi kaya sinabihan sila ni Jin?



Sh*t! This is a trap! Right from the very start, niloloko na niya ako! Pinlano na niya lahat ng 'to, pati narin ang pakikipag-relasyon niya sa akin. Si Umji nga na naging pinakamatalik kong kaibigan ay nagawa akong traydurin, siya pa kaya? Right from the very beginning, this was all a trap, this was all a lie!



I can't help but to feel very betrayed. Well, who wouldn't? Right now, I literally have no one on my side.



I thought I could lean on him but I was wrong and this is all because of my feelings. I was blinded by my feelings, my feelings for him.



And now, I get it all. He sticking on me was only a part of their sick plan.



Hinalughog nila ang bawat sulok ng rooftop at dahil dun, imposible na ako ay hindi nila makita.

Saikou HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon