Epilogue

273 7 8
                                    

"Eunji!!! Jung Eunji!!"



Kahit naririnig ang aking ina na tumatawag sa akin, ito ay hindi ko pinansin. Paano kase at hindi maganda ang aking pakiramdam.



Bahagya akong napabalikwas sa aking kama at tiningnan ang oras sa aking bed side table.



6:00 PM.



Nakita ko naman mula sa napakaliit na luwang ng aking bintana na dumidilim na pala. Nag-inat ako nang mapagdesisyunang dapat ko na talagang bumangon.



Umupo ako mula sa pagkahiga at ako ay nabigla nang may nahulog na libro mula sa aking dibdib.



Kinuha ko ito sa sahig at binasa. Saikou High.



Muntikan ko nang makalimutan kung ano ang ginawa ko bago ako natulog. Binasa ko pala 'tong librong 'to.



Bigla akong napahawak sa aking dibdib nang ako ay makaramdam ng sakit. Ito ay aking hinawakan habang kumuha ng tubig mula sa aking bed side table. Ininom ko naman ito.



Habang tinatanaw ko ang libro na aking binasa bago ako natulog na Saikou high, hindi ko mapigilang manikip ang aking dibdib kaya naman, patuloy ako sa paghawak sa aking dibdib. Hindi ko rin naman maiwasang mapaluha kahit hindi alam kung bakit.



Bakit nga ba ako naluluha?



Humiga ako ulit sa kama ko habang hindi inaalis ang paningin sa libro kong Saikou high at sinuri ko ang bawat eksena nito.



Bakit ba parang... parang hindi lang naging panaginip ko iyon? Bakit parang... parang nangyari talaga sa totoong buhay. Mas lalo kong iniisip, mas lalong sumisikip ang aking dibdib kaya naman umupo ako muli mula sa pagkahiga at uminom muli ng tubig.




Kim Seokjin... Umji... Sinb... Kim Taehyung... Sowon...



Bakit parang nakilala't nakita ko talaga sila? Saglit akong napatanong nang binasa ko ang mga characters ng storya.



Bigla akong nakaramdam ng isang nakakakilabot na koneksyon habang binabasa ko ang mga pangalan nila.



Nakakalito.



Pinukpok ko naman ng medyo malakas ang dibdib at uminom ako ng maraming tubig habang hinahabol ang aking hininga.



Naramdaman kong bumukas ng bahagya ang pintuan ng aking kwarto at iniluwa nito si Mama. Nakita ko naman ang nag-aalala nyang pagmumukha at agad na ako ay sinugod.



"Jusko Eunji anak! Sinumpong ka na naman ng asthma mo!" Sabi ni Mama habang kinukuha sa drawer ko ang gamot.




***



Mas malala ang sumpong ng asthma ko ngayon kaya sinugod ako ni Mama sa hospital. Oo. Asthmatic person ako. Subalit lubos parin akong nagpapasalamat dahil hindi sya masyasong malala.



Nang maging okay na ako ay nagpaalam ako kay Mama na pupunta muna sa CR.



Matapos gamitin ang CR ay hinugasan ko muna ang aking kamay. Manghihilamos na sana ako nang may mapansin ako sa aking kanang pisngi.



May band aid. Bahagya kong tinaggal ito at nakita ko naman na may maliit ito na sugat. Isang manipis na daplis. Nakakapagtataka. Saan ko kaya ito nakuha? at kailan?



Hindi na ako nagtagal pa at ako ay lumabas na sa CR.



May nabunggo ako. Humingi ako ng patawad sa kanya at naglakad na palayo subalit saglit akong napahinto nang may mapagtanto.



Upang makumpirma, nilingon ko muli ang aking nabangga. Doon ko lang din nalaman na tinitingnan nya din pala ako.



Walang nagsalita sa amin subalit tila may koneksyon na nag-uugnay sa amin kahit hindi pa man nagsasalita sa isa't-isa.



Kita sa aming mga mata ang kislap na walang katumbas at ito ay animo'y nagsasalita para sa amin.



"J...Jin?"




"S...Sowon?"




I knew right from the very beginning that it wasn't just a dream. It's a reality that eventually hit me through a wondrous dream.




End~




***

Book 2? Hehe. xD

Questions would be heartily entertained!



#SaikouHigh #Sojin




Kamsahamnida!

-Leng

Saikou HighWhere stories live. Discover now