Condition

140 7 0
                                    

A week prior..




Jin's POV





Pilit kong tinatago ang kaba at pangangamba na nararamdaman habang pilit na inaalam ni Sowon ang mga bagay-bagay. Parang hindi ko na nga ata alam kung hanggang kailan ko ito matatago sa kanya.



Kasalukuyan akong nasa rooftop, at nasa mismong harapan ko ngayon si Sowon at ako ay kanyang tinatanong kung ako ba ang killer.



Halong kaba at takot ang aking nararamdaman sa tuwing siya ay humahakbang paabante sa akin, habang ako ay tinitingnan ng diretso sa mata.



Walang magawa, umatras din naman ako.



Imposible kasi na hindi niya ako pagdududahan. Sa nangyari kagabi, halatang mapagbibintangan niya talaga ako. Paano kasi at ako ang huling taong nakita niya kagabi.



Kahit kinakabahan at natatakot, hindi maiwasang kumirot ng akin puso dahil sa kalagayan niya ngayon.



Punit ang damit, sira ang sapatos at magulo ang buhok. At may mha sugat siya sa iba't-ibang partr ng kanyang katawan.



Hindi ko din naman magawang hindi masisi ang sarili. Kung dumating lang kase ako ng maaga ng mga ilang minuto, eh hindi sana ito nangyari sa kanya dahil hindi talaga ako papayag dun.



Hindi ko sinagot ang kanyang katanungan bagkus, I insisted on treating her wounds and bruises.



Halatang nasaktan nga talaga siya dahil siya ay hindi tumanggi dito, at hinayaan niya ako na gamutin ang mga sugat niya at sa mismo ding lugar na iyon, inilabas niya ang lahat ng kanyang mga hinanakit at paghihinagpis nitong mga nakaraang araw. Which is partly, I am involved.



Wala naman akong plano na ilihim sa kanya ang lahat kong nalalaman. Sadyang naghahanap lang talaga ako ng magandang tiyempo upang sabihin sa kanya ang lahat.



Gusto ko yung perfect timing na kahit alam niya kung ano ako, matatanggap niya parin ako, at walang magbabago sa pagitan naming dalawa.



I don't want her to hate me.



Ngunit mas nadaragdagan ang aking pagkalito nang mapagtanto na ayaw ko din namang ilihim ito sa kanya sa mahabang panahon dahil alam ko, ito ang ikapapahamak niya.

Saikou HighWhere stories live. Discover now