Escaping

152 7 3
                                    


"Sowon! Bilisan mo, dali!" Sabi ni Jin habang ipinwesto na ang kanyang mga braso upang saluin ako.


"Oo na, oo na! Tatalon na nga oh! " sabi ko naman na may halong inis at kaba.


Yup! We are planning on escaping! Some may wonder what we're running away from. Simple! We're escaping the melodrama!


At kasalukuyan kaming tumatakas ngayon sa Saikou high. Napagdesisyunan kasi namin kanina matapos akong magdrama sa kanya na tatakas kami. Ay mali. Sya lang pala. Gusto nya daw akong ipasyal.


That's right! Gusto namin na kahit sa panandalian lamang ay makalimutan namin ang kadramahan na dulot ng buhay na ito.


Pinangako naman ni Jin na ipapaliwanag nya sa akin lahat ng nangyari kagabi at nung isang araw. Syempre, tumango naman ako.


"Sowon-ahh!~ bilisan mo!" Inis nyang sabi.


"Oo, eto na nga!" Sabi ko naman at kahit na natatakot ay tumalon ako mula sa pinakataas na parte ng gate. At ako ay nasalo naman nya.


"Okay, ayos!" Sabi nya at ako ay binaba na nya.


Ngumiti naman ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako ay nagawa pang makangiti sa ganitong sitwasyon. Like, hello?! We're in the middle of escaping the school which also means breaking the rules at may oras pa ako sa pagngiti.


Inayos ko muna ang punit-punit kong uniporme nang inilahad nya ang kanyang kamay.


At first, nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi. Dahil hindi ba at ang awkward naman kung magkakahawak kami ng kamay habang namamasyal. Baka akalain ng tao na kami ay mag-ON.


Nahalata siguro nya na nagdadalwang isip ako kung tatangapin ko ba ang kanyang kamay kaya naman ngumiti sya.


"Ooops! I'm sorry! Let me make this clear first, okay?" At first, hindi ko pa talaga naintindihan ang sinabi nya.


He clears his throat first at tsaka inayos nya ang kanyang sarili pati narin ang kanyang tindig.



"Kim Sojung, Neomo Jowayo"



[AN: Neomo Jowayo= I like you]



Nabigla naman ako dahil sa kanyang sinabi.



"H...ha?" Hindi parin ako makapaniwala sa narinig.



"Ang sabi ko, gusto kita. Matagal na." Wika nya na may halong pag-asa.


" Ahh, ganun ba? A..hh ano kase eh..." Sh*yt Anong sasabihin ko? Hindi nyo ko masisisi. First time ko kayang makatanggap ng isang confession, at biglaan pa.

Saikou HighWhere stories live. Discover now