The girl named Kim Sojung

985 26 9
                                    


Pilit kong imulat ang aking mga mata ngunit gamit man ang buo kong lakas ay hindi ko kaya. Ngunit hindi ako sumuko at pilit ko itong imulat muli ngunit itoy naging dahilan lamang ng pagdugo nito. 


Nakaramdam naman ako ng hapdi dahil sa naramdaman kaya naman kahit gusto ko mang imulat ang aking mga mata ay hindi ko nalang ito pinilit.


Pandikit. Nilagyan ng pandikit ang aking mga mata. Wala akong nakikita buhat ng paglagay ng pandikit sa aking mata. Kaya naman kinapa ko na lamang ang aking mga dinadaanan. 


Hindi pamilyar ang lugar na ito. Ilang beses na akong nabunggo at nakaapak ng mga kung ano-anong bagay na naging sanhi ng pagtamo ko ng mga sugat at bukol.


Wala mang makita, sinubukan ko paring kapain ang mga bagay bagay sa aking paligid at baka sakaling akoy makahanap ng kahit na ano mang lagusan papalabas ng kwartong ito.


Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa kabilang parte ng silid kaya naman akoy napatigil sa paggalaw. Naramdaman ko naman ang nagtatagaktak kong mga pawis sa kabila ng napakalamig na aircon ng kwarto na ito. 


Kinakabahan ako.


Rinig na rinig ko ang kanyang bawat paghakbang patungo sa kinatatayuan ko. Saglit namang napatigil ang aking hininga nang aking maramdaman ang kanyang malakas at mainit na hininga sa aking mukha na walang ibang ibig sabihin kundi sya ay napakalapit na nya sa akin.


Humakbang ako paatras dahil sa nararamdamang kaba at takot at habang ako ay paatras ng paatras, sya naman ay paabante ng paabante, aatras pa sana ako ngunit huli na ng mapagtanto kong napasandal na pala ako sa pader na nasa aking likuran.


Tila nanginginig ang buo kong katawan nang mayroon syang tinutok na isang napakalamig na bagay sa aking Sentido. 


Baril.


"Ito na nga ba ang katapusan ko?" yan na lamang ang aking nasambit nang kanyang pinaputok ang kanyang baril sa aking ulo kung saan ito ang naging dahilan ng paglagot ng aking hininga.


Nagising ako dahil sa napakagandang panaginip na iyon. Hindi man sinasadya, may nabuong napakaliit na ngiti sa aking mga labi at iisa lamang ang ibig sabihin nun. Masaya ako.


Bumangon ako sa aking kama at agad namang nalaglag ang isang libro galing sa aking dibdib. Ang librong aking binasa kagabi. May nakasulat naman na "BLIND FEAR" sa itaas na bahagi ng cover nito samantalang sa ibaba naman ay ang lumikha nito at walang iba kundi si Lynn Abercrombie. 


Ensaktong-ensakto yung eksena sa napaginipan sa aking nabasa. masaya ako dahil naramdaman ko kung ano ang feeling nung bida.


Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aking kama ng nakita ko ang orasan sa aking bedside table. Alas sais na ng umaga. 


Tuluyan na akong umalis sa aking kwarto at pumunta sa banyo upang gawin ang aking mga ritwal na ginagawa araw-araw. at tulad ng inaasahan, pagkabukas ko ng pintuan ng banyo ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng aking kuya na naka boxer lamang natutulog sa isang sulok ng banyo ngunit hindi ko na lang sya pinansin. 

Saikou HighWhere stories live. Discover now