Past

209 7 4
                                    



Hindi ako makapaniwala dahil sa narinig. Si Teacher Koh ay patay na daw? Matapos sabihin ni Yuju sa akin ang balitang iyon ay bigla na lamang nya akong hinila palabas ng kwarto. Good thing at naitago ko na ang mga bagay na dapat itago.




Nakarating naman kami sa kung saan nakalatay ang bangkay ni Teacher Koh. Sa may hagdanan. 



Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng matinding kaba nang mapagtanto ko na ito yung mismong lugar na aking huling naalala bago ako nawalan ng malay.

Dahil sa rami ng tao na pumaligid sa bangkay ay nahirapan naman ako na makasuot. Ikalawang pagkakataon ko na ito na makakita ng isang patay na tao. 



Ngunit ang pakiramdam ay napakatindi parin ng tama sa akin. Parang nanindigan lahat ng aking balahibo nang makita ang napakaputla na pagmumukha ni Teacher Koh. Wala na nga talaga sya at hindi ko lubos na maisip yun. 



From the start, mabuti talaga syang teacher ngunit bigla na lamang syang nagbago kanina.

Nalito naman ako nang matanong sarili kung bakit ako napunta sa sariling kama. Akala ko kase papatayin na talaga ako ng killer kanina. 



Ngunit bakit kaya hindi nya ginawa iyon? Ano nga ba ang dahilan ng pag atake nya sa akin kanina? Ano ang kanyang plano? At higit sa lahat, Ano ba ang kanyang motibo? Bakit nya ginagawa lahat ng ito?



Nakita ko naman sa kabilang banda si Jin. Nakikiusyuso din sya. Nagulat naman sya nang makita nya ako. Sinenyasan nya ako na pumunta sa kanya. Lumabas naman ako sa sangkatauhan.



"Okay ka na?" Sabi ni Jin sa akin nang kami ay malapit na sa isa't isa.



"Ahhhh. Oo. Medyo okay na." Naguluhan ako sa kanyang sinabi. Bakit nya tinanong kung anong nangyari sa akin? May alam ba sya sa kung ano man ang nagyayari? By any chance, alam ba nila na muntikan na akong mapatay ng killer?



"Kinabahan kami sa'yo! Jusko Sowon." Ani Eunha.



"Oo nga. Akala namin ano na ang nangyari sa iyo at bigla ka na lamang naglaho." Dagdag ni Yerin.



"Mabuti na lamang at ikaw ay nakita ni Jin at ikaw ay naihtid nya sa ating kwarto." Sabi naman ni Yuju.



"Ayan kasi ehh. Hindi ka nag almusal at tsaka hindi ka pa kumain ng lunch. Kaya tuloy nawalan ka ng malay." Dagdag ni Jin.



Napansin ko na lamang na na nandidito na pala sina Yerin, SinB, Eunha at Yuju. Ang sarap talaga na magkaroon ng mga kaibigan na nag-aalala sa iyo. 

Saikou HighWhere stories live. Discover now