Obliviousness

155 6 0
                                    


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tuluyang pumasok mula sa bintana patungo sa aking mga mata. Nag-inat ako bago tuluyang idinilat ang aking mga mata.



Tiningnan ko ang oras. 6:00 AM.



Oras na pala.



Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang may mapagtanto at diretsong sinuri ang kalagayan. Nandidito ako sa aking kama. Kinapa ko naman ang aking katawan at sa awa ng Diyos, walang masakit sa aking katawan at higit sa lahat, hindi ako duguan at wala akong hawak na kutsilyo.



Well, I guess this Sunday shall start my week right. Hindi ko mapigilang mapangisi sa kabila ng mga nangyari sa akin.


Bumangon ako sa aking kama ng napakasaya at agad na nagtungo sa kusina suot ang hindi mabuburang malalapad na ngiti sa mukha.



Kumuha ako ng isang basong tubig nang makita ko si Sinb na nag-aagahan sa malaking mesa habang nakasuot na ng Saikou high religion uniform.



Hindi ko naman mapigilang ma-excite suotin ang uniporme. Iba kase ang religion uniform namin at tsaka iba din naman yung isinusuot namin weekdays.



Medyo cute sya dahil pink jumper sya at yung inner nya ay long sleeves na white. Iniimagine pa lamang, mas na-eexcite na ako!



"Good Morning Sowon-ahh!~ Pasensya na kung nakatulog ako ng maaga kagabi. Hindi kase mabuti ang aking pakiramdam." Sabi niya matapos ubusin ang kanyang kape, halatang nagmamadali.



Saglit akong napatigil mula sa kinatatayuan. Parang may naalala kase ako tungkol kagabi ngunit hindi ko maalala. Ay, ewan!



Napansin ko rin ang pakikitungo nya sa akin. Parang may kakaiba kase. Dati kasi hindi sya nakikipagsalita sa akin. Kung meron man, palaging daglian. Nakakapanibago sya.



"Ahh, sige. Mauna na ako Sowon ha? Dapat maaga kase ako sa religion class namin. May iseset-up pa din kase ako. Magrereporting kase ako." Aniya habang papalabas na sa kusina.



Nang siya ay makalampas na ng konti sa akin ay parang may alaalang bumalik sa aking pag-iisip.



Nanlaki ang aking mga mata.



Para kaseng nakita ko kagabi ang kama ni Sinb na bakante at tsaka naalala ko rin na parang bumukas ang pintuan ng kwarto ngunit dun lamang ang aking naalala.

Saikou HighKde žijí příběhy. Začni objevovat