Team Alpha

256 9 0
                                    


♪Nabi Cheorom Nara. Na na na Navillera♪


Nagising ako nang tumunog ang aking cellphone. May tumatawag. Si Mommy pala.


Teka, ano kayang kailangan nya sa ganitong oras? Tiningnan ko ang orasan. Mag aalas sais na nga pala. Baka mangungumusta lang. Agad ko naman itong sinagot.



"Hello Mommy?"



"Sojung anak! Kamusta ka na dyaan? Nabalitaan ko kaseng pinatay ang school head nyo. Teka, hindi ba delikado dyaan? Ayos ka lang ba anak?" Pambungad ni Mommy. Tch. Tama nga ako.


"Ahh. okay lang naman po." Antok ko namang sagot. Naramdaman ko naman na parang may humablot sa Telepono ni Mommy.


"Sowon-ahh~! Nabalitaan ko yung nangyari sa Daddy ni Umji. Kawawa naman sya. Lumipat na pala sila. Binenta nila ang bahay na katabi sa atin. Dun kase sa mansion nila gaganapin ang burol. Tapos hindi na raw sila babalik dito. Nagpaalam sila kagabi. Nakakalungkot nga ehhh." Hindi maitatanggi ang lungkot sa boses ni kuya habang sinabi nya iyon. Hindi ko naman maiwasang malungkot nang maalala ko ang paksang iyon.



"Sojung anak! Mag-iingat ka dyan ahh?! Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ang Daddy" Narinig ko naman ang boses ni daddy sa kabilang linya.


Agad akong napangisi dahil sa mga narinig. Maswerte parin ako dahil mayroong pamilyang nagmamahal sa akin.



"Opo. Tatandaan ko po. Mommy, Daddy. At tsaka hwag ka nang malyngkot dyan kuya hindi ka naman makakalimutan ni Umji ehhh." Tugon ko sa kanilang mga sinabi.



Sabay ng pagbaba ko ng aking cellphone ang pagtunog ng aking alarm clock, hudyat na dapat na akong bumangon at nang upang makapasok na.



Naalala ko naman ang nangyari kagabi. Nag-enjoy talaga ako sa pakikipag usap kay Jin. Bukod kay Umji, nakakasabay ko si Jin kung pag uusapan ang mga ganyang bagay. 



Marahil ay hilig nya rin ang mga ganoong mga bagay. Halos dalawang oras kaming nag uusap ng kung ano-qno patungkol sa mga books o di kaya sa mga movies kaya naman mag aalas dose nang ako ay inihatid nya sa aking silid.



Tiningnan ko ang aking paligid upang masuri kung nasaan na ang aking mga kasamahan.



Nakita ko naman na mahimbing parin na natutulog sina Yuju, Eunha at Sinb. Samantalang si Yerin ay wala na sa kanyang kama.



Dumiretso ako sa banyo nang upang makaligo. Ngunit napansin ko na may gumagamit pa nito kaya dumiretso na lamang ako sa kusina upang matingnan kung ano ang pwedeng lutuin pang almusal.

Saikou HighWhere stories live. Discover now