Intuition

132 6 0
                                    


A place where my doubts once were all gone, a place where all my questions were answered with all certainty, I am now sitting in the most memorable park bench in my whole life, possessing the thought of Jin and me together here not just a long time ago.


Dito kase niya inamin lahat sa akin. Dito ko nalaman lahat ng mga misteryo na hindi ko masagot-sagot.


Oo. Naalala ko na. Naalala ko na kung saan ako nung araw na sinaktan ako ng aking mga kaklase, at kung ano ang ginawa at nalaman ko nung araw na iyon. Naalala ko na lahat.


Klarong-klaro na sa aking isipan.


Siguro hindi masyadong matapang ang iniject ni Jin sa akin noon na pampalimot dahil sa loob ng isang linggo, naalala ko na ulit ang lahat.


Hindi madali ang makalimot ng isang bagay o pangyayari na hindi mo gustong makalimutan ngunit para sa akin, mas masakit ang umalala ng isang bagay na gusto mong maalala ngunit hindi mo naman kaya. Aaminin ko, hindi madali ang naging karanasan ko nitong mga nagdaang araw.


Lahat ng sakit, dulot ng aking mga kaklase't kaeswkela, pati narin ng mapait kong naranasan simula nang ako ay pumunta sa eskwelahang ito, iyon ay iniinda ko araw-araw.


Hindi lang din iyan. Unti-unti din akong nilalamon ng aking konsensya sa tuwing naalala ko ang duguan kong kamay at uniporme, ang kutsilyo at ang mukha ni Mrs. Lee na meron mismo sa aking mukha.


Kahit na in-announce na sa buong Saikou high na hindi pa napapatunyan na ako ang pumatay kay Mrs. Lee, at wala pang ebidensya na ako nga ang pumatay, ganoon parin ang paningin nila sa akin. Ipinapalabas nila na ako talaga ang pumaslang kay Mrs. Lee, kahit wala pang sapat na patunay at ito ay kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga pulis.


Patuloy din naman sa pagpoproktekta ang Saikou high sa akin. Dahil kung ang balita na may isang estudyante sa Saikou high na pumaslang ng isang teacher, siguradong hindi magiging maganda ang reputaayon ng eskwelahan. At dahil diyan, nagpapasalamat ako.


At ngayon, lahat ng kanyang mga pag-amin, pati narin ang lahat nyang kamalian ay naalala ko na, at alam ko na ito ang makakapagpabago sa aking kapalaran dito sa Saikou high.


Ito ang gagamitin kong susi upang mabuksan at mahayag lahat ng pinaggagawa nila sa akin. Kaya humanda sila.


Date. Nag-date kami ni Jin nung araw na yun. Iyon din ang araw na umamin kami sa isa't-isa tungkol sa mga nararamdaman.


Ang saya ng araw na iyon ngunit sadyang napakalungkot din nito kung tutuusin dahil ito ay nakalimutan ko din naman sa susunod na araw.


Nung hapon kase na umupo kami ni Jin sa mismong bench na ito, matapos nya akong sabihan sa lahat-lahat ay bigla nya nalang akong tinusukan ng pampatulog-slash-pampalimot na gamot.


Kung sa anong dahilan? Iyon ang hindi ko alam.


Saikou HighWhere stories live. Discover now