Agony

158 6 8
                                    

[AN: This chapter is dedicated to @jaechxn for the support ^_^. I had a trouble dedicating this story to you officially. There was a sort of technical error. But I'll surely dedicate this chapter to you officially. ^_^]





ENJOY!~





***









One year prior...



Bihira lamang kung makabisita si Umji sa kanyang Daddy sa Saikou high kaya naman, talagang natutuwa ang batang si Umji sa tuwing nagagawa niya ito.



Palaging wala ang kanyang daddy sa kanilang bahay kaya sa tuwing ito ay kanyang nakikita, talagang siya ay sabik na sabik, katulad na lamang ngayong araw sapagkat pinayagan siya ng kanyang mommy na dumalaw sa kanyang Daddy.



Hindi parating nagkakasundo ang kanyang mga magulang kaya palaging pinagbabawalan si Umji ng kanyang Mommy na dumalaw sa kanyang Daddy. Kung ano ang dahilan? Iyon ang hindi maunawaan ng batang si Umji.



Hindi rin kase madalas ang pag-uwi ng kanyang Daddy sa kanilang bahay at kung mangyayari man iyon, parating hindi nagiging tahimik ang kanilang bahay sapagkat palaging nag-aaway ang mag-asawa. At minsan naman, ito ay nauuwi sa pananakit ng kanyang Daddy sa kanyang Mommy.



May isang beses na nakita ni Umji ang pananakit ng kanyang Ama sa kanyang Ina kaya naman tinanong ng walang kamuwang-muwang na batang si Umji kung bakit. Kung bakit nagtitiis parin ang kanyang Mommy sa ugali ng kanyang Daddy.



Ngunit ang tanging sabi ng kanyang Mommy ay na dapat mahalin nya daw ang kanyang Daddy gaya ng pagmamahal niya nito.



Mahal na mahal niya ang kanyang asawa kaya niya itong nagawang tiisin.



Walang magawa at maintindihan, tumango na lamang si Umji. Kaya naman, patuloy parin si Umji sa pagmamahal sa kanyang Daddy habang patuloy din ang pagtitiis ng kanyang Mommy na ayon nga sa kanya, ito ay dahil sa pag-ibig.



Mayaman siya kaya pwede siyang lumayas sa Mansion at tumira kasama lamang ang kanyang anak upang makapag-umpisa muli ngunit hindi niya ito ginawa dahil nga, mahal niya ang kanyang asawa.



Subalit, kahit na sinabihan niya ang kanyang anak na patuloy na mahalin ang Daddy nito, mahigpit ang kanyang pagbabawal patungkol sa pagdadalaw ng kanyang anak sa Ama nito. Baka kase may malaman pa ito lalo na ngayon at lumalaki na si Umji, di gaya ng dati na mahirap paintindihin.



Sa tuwing may mga importanteng okasyon lamang kung magkita ang mag-ama. Ayaw kase ng Mommy ni Umji na mapamahal ng husto si Umji sa knyang Daddy dahil sa kasiguraduhan, alam niyang iiwan lamang sila nito. Ayaw niyang masaktan ng husto ang kanyang anak kaya habang mas maaga pa, sinasanay niya na ang kanyang anak na mabuhay ng walang Daddy.



Ngunit siya ay isang Mommy na walang ibang hangad kung hindi ang mapasaya ang anak kaya hindi niya naman hinayaan ang anak na lumaki na hindi nadarama ang pagmamahal ng isang Daddy kaya hindi niya ito inalayo ng tuluyan sa Daddy bagkus, ito ay hinahayaan niyang bisitahin ang Daddy from time to time.



Malapit na ang graduation ni Umji kaya ibig niyang imbitahin ang kanyang Daddy. Afterall, isa ito sa pinaka importanteng okasyon sa buhay ni Umji kaya ayaw niyang ma-miss ito ng kanyang Daddy.



***







Binuksan ni Umji ang Office ng kanyang Daddy habang halata sa mukha ang hindi maitatangging kagalakan ngunit imbes na ang Daddy niya na nasa working table ang kanyang makita, tumambad sa kanya isang larawan na tila hindi mabubura sa kanyang isipan.



Saikou HighWhere stories live. Discover now