"Ganon ba? Sige, magpahinga ka na at may pasok pa bukas."sambit ko sa kaniya.
"Don't forget my pasalubong ha?"pahabol pa nito at tumango nalang ako.
Kinabukasan...
"Hello everyone, my name is Camille Ocampo. I'm 17 years old. I am the exchange student from Williams Academy. "pagpapakilala ko sa harapan. Magkahawak ang dalawang kamay ko dahil nanginginig ako. Pumalakpak lang sila, pagkatapos non ay naupo na ako sa pinakalikuran. Sa tabi nung lalaking nakamask na black, tapos may cap. Uso ba dito ang nakamask? 'Yong guard ko doon sa hotel, nakamask din.
Itinuon ko na ang buong atensyon ko sa lecturer. Kakaiba pala ang oras ng uwian dito, alas-siyete na ng gabi. Napakahaba ng oras ng pag-aaral. 12 hours, kasama na ang lunch.
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
LUNCH.
Nag-inat muna ako. Napakadami ng ipinasulat sa amin, pero in fairness ang dami kong bagong nalaman. Kailangan kong i-take note ang lahat ng 'to, dahil ibabahagi ko 'to sa Williams pagbalik ko.
Isang kamay ang nag-aabot sa akin ng parang salonpas, iniangat ko ang paningin ko. Siya 'yong lalaking katabi ko. Sumenyas ito na tanggapin ko.
"Thank you."nakangiting sambit ko. Saka ito umalis.
"Camiiiiille!"rinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses ni Umji. Sumama na akong maglunch sa kanila.
Nang matapos kami sa pagkain, bumalik kami kaagad. Dahil ang sabi ni Umji, kapag late ka, hindi ka papapasukin ng tatlong subject. 'Yong tatlong huling subject na ang puwede kang pumasok. Kailangan na kailangan ko pa naman, kaya dapat ay hindi ako ma-late.
"Go to the library, and research this thing."sambit sa amin ng aming propesor, habang itinuturo ang nakalagay sa board. "I'll give you 25 minutes, go."sambit pa nito, isa-isa na kaming pumunta sa library.
Kumuha ako ng tatlong libro na hango sa subject namin, saka naupo at nagsimulang maghanap. Ilang sandali pa at may naupo sa kaharap kong silya. Kung hindi ako nagkakamali ay 'yong katabi ko sa classroom.
Nagpatuloy lang ako sa paghahanap. Nang matapos akong maghanap, bumalik kaagad ako sa classroom upang ipa-check ang nakita ko.
"I'm so happy that the Williams Academy chose you to be the exchange student. I saw all your grades and paperworks. You did a great job. I'm so proud of you Ms. Ocampo. Keep it up."puri sa akin ni Ms. Park.
"Thank you so much, Ms. Park."nakangiting sagot ko. Bumalik na akong muli sa aking upuan. Napakasarap sa pakiramdam na purihin ka ng hindi mo kalahi. Nakikita nila ang pagsisikap mo, hindi lang ang kalahi mo.
Isang achievement para sa akin ito.
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
DISMISS.
"See you tomorrow!"sambit nina Eunha. Nagwave lang ako sa kanila.
Dumating na sina Bartolome at Jose para sunduin ako.
"Mukhang pagod po kayo ah?"sambit ni Bartolome saka kinuha ang bag ko.
"Oo nga eh."sagot ko saka ibinaling-baling ang leeg ko. Iginalaw-galaw ang mga kamay ko. Talagang nakakapagod.
Sumakay na ako sa sasakyan, at pagkasakay na pagkasakay ko...
ZzzzzzzzZ...
--
Naalimpungatan ako, ramdam kong malambot ang hinihigaan ko.
"Nasa hotel na ako?"takang sambit ko nang magising na talaga ako. Agad akong lumabas.
"Sino nagdala sa akin dito?"tanong ko kina Bartolome at Jose.
"Kami po."sagot nila.
"Binuhat niyo 'ko?"gulat na tanong ko. Tumango sila. Nahiya naman ako bigla.
"Pasensya na kayo ha."paumanhin ko.
"Okay lang ho."sagot naman nila.
Babalik na sana ako sa loob. Napahinto ako nang may isang lalaking papalapit dito, parang namumukhaan ko siya.
Nang tuluyan na siyang makalapit, napagtanto kong siya ang seatmate ko. 'Yong nakamask na black at nakacap. Naalala ko bigla si Charles sa kaniya, magkasingtaas kasi sila, tapos magkasing laki ng katawan.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 54 ♥ BISTADO
Magsimula sa umpisa
