CHAPTER 54 ♥ BISTADO

Start from the beginning
                                        

Pumasok na ako sa loob at sinimulan nang kumain. Binuksan ko ang cellphone ko.

'150 missed calls...'

Ang lahat ng iyan ay galing kay Charles. Nalungkot na naman ako bigla.

*TOK *TOK

Ano naman kaya iyon? Tumigil muna ako sa pagkain at binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga bitbit nila. Benteng paper bags?

"Para po ulit sa inyo."sambit ni Bartolome.

"Bigay din 'to ng hotel?"tanong ko pa. Napailing nalang ako. Bongga talaga 'tong hotel na 'to, kung pati ang mga ito ay galing sa kanila.

"Opo."sagot nilang dalawa. Pinapasok ko na sila sa loob para mailagay na ang mga iyon. Pagkatapos ay lumabas na ulit sila. Binilisan ko na ang pagkain para matignan ang mga ito.

Damit, sapatos, pagkain, etc. Grabe, andami naman. Ayaw na ata akong pauwiin nito.

Sa buong maghapon, nasa hotel lang ako. Inayos ko na ang gamit ko para bukas, dahil itinext narin ako ni Ms. Song. Bukas na ako papasok sa Whimoon High School, excited na ako na kinakabahan.

Nang sumapit ang gabi, naisipan kong tawagan sila papa. Video call.

"Anak, kumusta ka na diyan?"tanong sa akin ni mama.

"Okay naman po, ang ganda dito. Pero, malungkot dahil ako lang."sagot ko.

"Napag-isipan mo na ba kung hanggang kailan ka diyan?"tanong ni papa. Tumango ako.

"Opo. Mga isang taon po ako dito."sagot ko na ikinagulat nila.

"Napakatagal naman ata? Kakayanin mo ba?"sambit pa ni papa.

"Kakayanin po."pilit na ngiting sagot ko. Gusto ko lang na malayo sa dalawang taong pilit kong iniiwasan.

"Sige na, magpahinga ka na. Magpapahinga narin kami, mag-iingat ka diyan ha?"sambit ni mama.

"Pasalubong ate!"singit ni Cholo bago ko tuluyang putulin ang tawag. Tumango lang ako.

Ibinaba ko na sa higaan ang telepono ko at saka ko ipinikit ang mga mata ko.

*BRIZZZZK *BRIZZZZK

Kinuha kong muli ang telepono ko. Si Sophie ay tumatawag, video call din.

"I hate you na! Hindi mo sinabi na aalis ka."nakasimangot na sambit ni Sophie. Nginitian ko lang siya.

"Para surprise, wala na ako sa bahay."sagot ko sa kaniya.

"Alam mo ba Ate Camille, si kuya umalis bitbit ang things niya."pagbibigay alam sa akin ni Sophie.

"Ha? Saan naman pupunta?"takang tanong ko.

"It's either sa condo niya or somewhere else."sagot naman niya.

"Bakit, ano bang nangyari?"tanong ko pa.

"I don't know. Pagdating ko sa bahay, kinakausap ko siya hindi siya sumasagot. It's like I'm invisible. Hindi niya ako pinapansin."sagot niya.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now