CHAPTER 54 ♥ BISTADO

Start from the beginning
                                        

Bumalik na ako sa room namin at inayos ang mga gamit ko.

"Why are you packing your things?"tanong sa akin ni Chaeyoung.

"I'll move somewhere near here."sagot ko.

"But why?"tanong ni Eunha.

"I don't know."pagkibit-balikat ko.

"Can we go with you?"tanong ni Umji.

"It's fine with me, but I don't know if you're able to go. Ask Ms. Song first."nakangiting sagot ko sa kaniya. Agad naman silang nagtatakbo palabas. Mababait sila, sobra. At mabilis mo silang makaka-close.

Malungkot silang bumalik dito sa loob. "Ms. Song didn't allow us."sambit ni Umji. Lumapit ako at inakbayan sila.

"Don't be sad, we can see each other everyday."sambit ko sa kanila. Inayos ko nang muli ang aking mga gamit at saka nagpaalam na sa kanila.

Naglalakbay na kami ngayon papunta sa hotel na sinasabi ni Ms. Bas.

"Just call me if you need anything."sambit ni Ms. Song habang kami ay naglalakad papasok ng hotel. Tumango lang ako.

Nakamamangha ang lugar, mukhang napakamahal, itsura palang. Sumakay kami ng elevator at umakyat sa 10th floor.

Room 1056...binuksan na namin ito. Mas lalo akong namangha, ang ganda ng view. Mas masaya sana kung kasama ko sina papa.

"Here's your room key."abot sa akin ni Ms. Song. At saka nagpaalam na siya.

Nahiga ako sa bed para makapagpahinga.

*TOK *TOK

Tumayo ako upang tignan kung sino ito. Pagbukas ko...

"Good morning Ms. Ocampo, kami po ang inyong guard."sambit ng dalawang lalaking nakasuit na black, nakashades, at nakamask na black din.

"Pilipino kayo?"tanong ko.

"Hindi ho ba halata?"sagot ng isa.

"Sabi ko nga."sabi ko nalang. Tiningnan ko pa sila, parang namumukhaan ko sila eh. Hindi ko lang masabi kung sino.

Bumalik nalang akong muli sa loob. Parang hindi ako mapakali, parang kilala ko talaga sila eh. Muli akong lumabas.

"Ano ho ang kailangan niyo?"tanong ng isa.

"Ano ang pangalan niyo?"tanong ko sa kanila. Nagtinginan muna sila bago sumagot.

"Ako ho si Bartolome."

"Ako naman ho si Jose."

"Ah."sambit ko nalang at muling pumasok sa loob. Nakararamdam ako ng kung ano.

Nahiga nalang muli ako at...

ZzzzzzzzzzzZ....

Five hours later...

*TOK *TOK

Nagising ako sa paulit-ulit na katok sa pintuan. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Alas-tres na pala ng hapon.

"Lunch niyo po ma'am."sambit ni Bartolome kung hindi ako nagkakamali. Taban-taban nito ang isang tray ng pagkain na may takip pa, sosyal.

"Bulaklak po para sa inyo."sambit naman ni Jose bitbit ang isang bouquet ng roses.

"May pabulaklak din ang hotel?"tanong ko pa bago tanggapin ang bulaklak. Tumango lang ito.
Ayos din ang hotel na 'to, may pabulaklak pa. Siguro dahil bagong dating ako rito.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now