"You're a beast inside a beauty, Nadine."makahulugang sambit ko.
"Masama bang magmahal? Nagawa ko lang naman ang lahat ng iyon dahil mahal kita."sa wakas ay nagsalita na siya.
"Hindi masamang magmahal, pero kung mali ang ginagawa mo, nagiging makasarili ka na, hindi tama 'yon. Dahil hindi mo na iniisip ang kalagayan at nararamdaman ng iba. Dahil gusto mong makuha ang inaasam mo. Sana, mapagtanto mo na mali ang mga ginawa mo. This is the last time na nagkausap tayo ng ganito. Wala ng susunod pa, dahil andami ko nang naipaliwanag sa'yo. Pero hindi parin tumatalab."huling sambit ko at tinalikuran na siya.
"Charles, 'wag! Patawarin mo 'ko sa lahat ng nagawa ko. Ayusin natin 'to, ibabalik ko na ang dating Nadine."pagmamakaawa nito. Sa pagkakataong ito ay lumuhod siya sa harapan ko.
Itinayo ko siya. "Mapapatawad kita, pero kung babalik tayo sa dati hindi ko na kayang gawin 'yon."sambit ko at tuluyan nang umalis.
~...South Korea...~
CAMILLE'S POV
Parang tamad na tamad akong gumalaw, naninibago rin ako sa lugar.
"Are you okay?"tanong sa akin ni Umji.
Tumango ako. "Yes, I'm okay."pilit na ngiti kong sagot.
"Just tell me if you need anything."nakangiting sambit nito. Tumango nalang ako.
*TOK *TOK
Bumukas ang pintuan at saka pumasok si Ms. Song.
"Can we talk?"tanong ni Ms. Song sa akin. Sumunod na ako sa kaniya sa labas. May ibinigay siya sa aking telepono.
"Hello."sambit ko.
[Ako ito, si Ms. Bas.]
"Bakit po kayo napatawag?"
[Ihanda mo na ang mga gamit mo at lilipat ka sa hotel na malapit sa Whimoon.]
"Bakit po ako lilipat?"
[Napagdesisyonan namin na ilipat ka, para narin sarili mo ang lugar. May mga guards din na magbabantay sa'yo roon, kaya huwag kang mag-alala. May darating din na pagkain tuwing umaga.]
"Ah sige po. Pero, bakit parang biglaan po ata?"
[Napag-isip-isip namin na kailangan mo ng mas komportableng lugar.]
"Sige po, maraming salamat."huling sambit ko saka ibinaba na ang telepono. Ibinalik ko nang muli ang telepono kay Ms. Song. Nagbow ako sa kaniya, dahil iyon ang paraan ng pasasalamat o paggalang, kung hindi ako nagkakamali.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 54 ♥ BISTADO
Start from the beginning
