Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip kung may tao sa labas. Buti nalang at wala si Charles. Dahan-dahan akong naglakad palabas at sumilip sa ibaba.
"Si Charles po?"senyas ko kina papa sa ibaba. Kinawayan ko at nginitian sila Tito Benjie at Tita Agnes.
"Nasakwarto, natutulog."iminostra pa ni Tita Agnes na natutulog si Charles. Tumango nalang ako. Pinuntahan ko ang kwarto ni Charles, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.
"Wah. Ang gwapotalaga ng bae ko."mahinang sambit ko nang masilayan ko siya. Mahimbing siyang natutulog sa higaan niya. Naka-dikwatro pa. Mukhang pagod na pagod.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Pumasok na ako sa loob at isinara ang pintuan. Naupo ako sa sahig, sa may gilid ng kama niya. Saka pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Akala mo napakabait pagnatutulog eh, akala lang naman.
Hinawi-hawi ko ang buhok niya, saka dinampian ang pisngi niyang malambot.
Nang gumalaw siya ay agad kong tinanggal ang kamay ko, pumalumbaba at hinintay na magising siya.
Iminulat niya ang isang mata niya, nang masilayan ako ay gulat na gulat. Nanlaki ang dalawang mata, agad na naupo.
"Mahal ko ikaw ba 'yan?"gulat na tanong niya habang hawak ang magkabilang braso ko. Tumango-tango ako nginitian siya.
Bumaba siya sa kama niya at saka ako niyakap ng pagkahigpit-higpit. "Ang sabi mo hindi tuloy?"tanong niya habang nakayakap sa akin.
"Syempre joke lang 'yon."sagot ko sa kaniya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. "Matitiis ba naman kita?"sambit ko saka hinawakan ang dalawang pisngi niya.
Niyakap niya akong muli. "Payakap muna ng ilangminuto."sambit niya at niyakap ko rin siya. Ilang minuto kaming magkayakap.
Ilang sandali pa at bumitiw narin siya. "Hintayin mo 'ko mahal ko, doon ka muna sa baba. May pupuntahan tayo pagkatapos kong maligo."sambit niya sa akin saka sinapo ang dalawang pisngi ko. Pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.
Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba. Nagkwentuhan muna kami nila papa sa baba habang hinihintay si Charles.
"Let's go?"rinig kong sambit ni Charles na bumababa ng hagdan.
"Ang gwapotalaga ng anak ko."sambit ni Tita Agnes at umiling-iling pa.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nilapitan ako ni Charles at inakbayan nang makababa siya. "Aalis po muna kami."paalam ni Charles.
"Mag-iingat kayo."sagot nila. Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan ni Charles.
Bago pa man kami makaandar...
"Give me your hand."hingi ni Charles sa kaliwang kamay ko. Ibinigay ko naman ito. Hinalikan niya ito at sinimulan nang paandarin ang sasakyan. Napangiti nalang ako.
"'Wag kanangaalis ha?"sambit niya habang nagmamaneho.
"Ay bae, may hindi pala ako nasabisa'yo."pagbibiro ko.
"Ano 'yon mahal ko?"sagot niya nang hindi inaalis ang paningin sa daan.
"Aalisulit ako next week."pagpapatuloy ko. Bigla niyang inihinto ang sasakyan sa tabi, saka ako hinarap.
"Saankapupunta?"tanong niya.
"Sa Japan naman."sagot ko. Pinipigilan ko lang na matawa.
"Kailangan bang ikawnalanglagi ang aalis? Pwede bang iba naman? Nakapagiinit ng ulo."sambit niya at huminga pa ng malalim.
Natatawa na talaga ako.
Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya...
"Joke lang bae ko, nagbibiro lang ako. Sineseryoso mo naman eh."natatawang sambit ko saka pinisil ang pisngi niya. Bumusangot naman.
Bigla niya akong dinampian ng halik at nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Para saan naman 'yon? Nakakailanghalikka na?"tanong ko sa kaniya. "Pang-lima mo na 'yan ha?"sambit ko pa matapos kong alalahanin ku g ilan.
"Simula nung naging tayo, tatlongbeses pa lang akongnakahaliksa'yo."sagot niya.
Nagkwentuhan, nagtawanan, at nagbiruan nalang kami habang nasa byahe.
Hanggang sa...
"Anongginagawanatindito bae? Sa school 'to ah?"tanong ko sa kaniya nang makapag-park kami sa loob ng school. Hindi sumasagot si Charles, bagkus ay bumaba siya at ipinagbukas ako ng pintuan.
Niyakap niya akong patagilid gamit ang isa niyang kamay, saka kami naglakad papasok. Umakyat kami sa taas, papunta sa may multipurpose hall.
Binuksan ni Charles ang ilaw sa multipurpose hall at...
"WELCOME BACK CAMILLE!"sabay-sabay na sigaw ng mga classmates namin at schoolmate.