CHAPTER 57 ♥ HOME

Start from the beginning
                                        


To: Bae Ko♥

Sorry bae.

Ilang oras pa ang itinagal ng biyahe namin, at sa wakas ay nakarating narin kami sa bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang oras pa ang itinagal ng biyahe namin, at sa wakas ay nakarating narin kami sa bahay. Nang maihatid nila ako ay umalis narin sila dahil may klase pa.

Na-miss ko ang atmospira dito.

Nagdoorbell na ako...

"Sandali lang ho."rinig kong sambit ni Yaya Doris. Binuksan na niya ang gate. Gulat na gulat siya nang makita ako. "Ma'am Camille!"sambit niya, ang sabi ko ay huwag siyang maingay dahil isu-surprise ko sila mama. Kinuha na niya ang mga gamit ko.

"Kumusta na po kayo ma'am?"tanong niya habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Okay na okay po."nakangiting sagot ko sa kaniya.

Pagpasok namin ay nakita kong nanonood sila mama at papa ng pelikula, hindi nila ako makikita dahil nakatalikod ang upuan sa pintuan. Iba na ang ayos ng bahay.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at niyakap sila mula sa likuran.

"Camille!"gulat na sambit ni mama. Tumayo sila  at pinuntahan ako saka niyakap. "Na-miss ka namin sobra, ang tagal mo ring nawala."sabik na sambit ni mama.

"Dapat nga po isang taon pa ako doon eh, kaso mukhang hindi ko kakayanin."sambit ko sa kanila.

"Nako! Alam ko na kung bakit. Dahil 'yan kay Charles ano?"pambubuyo pa ni papa. Ngumiti lang ako, dahil 'yon naman talaga ang dahilan. Saka, nakakalungkot din. Ako lang mag-isa.

"Namumula ka anak."sambit ni mama. Naupo muna kami at pinagkuwentuhan kung ano ang mga nangyari sa SoKor. Ipinakita ko rin sa kanila ang mga awards na natanggap ko.

Ilang minuto pa ang lumipas...

"Aakyat muna po ako sa taas, gusto ko pa pong matulog."paalam ko kina mama at papa. Tumango naman sila kaya umakyat na ako.

"Waaah."singhal ko. Na-miss ko ang kwarto ko. Nagdive ako sa kama ko na sobrang na-miss ko. Sinabi ko rin kina mama na pagdumating si Charles, 'wag sabihin na nandito ako. Ini-lock ko ang pinto para makasiguro.

Ilang sandali pa at...

ZzzzzzzzZ...

--

Naalimpungatan ako, nakita ko sa labas at dumidilim na ang kalangitan. Bumangon na ako at nag-ayos, siguro nandito na si Charles.

 Bumangon na ako at nag-ayos, siguro nandito na si Charles

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now