"Puntahan mo si Charles bago siya umalis, humingi ka ng tawad. Lakasan mo ang loob mo, dahil ginawa mo 'yan. Panagutan mo."utos sa akin ni James. Hindi na ako nagdalawang isip pa at umalis na kaagad ako.
"Magkita tayo kahit sandali lang."text ko kay Charles. Nagreply naman siya at sinabi niya kung saan kami magkikita. Akala ko hindi na siya magrereply pa.
"Anong sasabihin mo? Bibigyan kita ng dalawang minuto dahil aalis ako."seryosong sambit niya nang hindi tumitingin sa akin.
Lumuhod ako sa harapan niya...
"Patawarin mo ako sa lahat nang nagawa kong pagkakamali. Pinagsisisihan ko ang lahat ng 'yon. Hindi ko na uulitin."pakiusap ko habang pinagkikiskis ang dalawang kamay.
"Tumayo ka diyan."utos niya sa akin. Tumayo naman ako kaagad at hinarap siya. "Hindi ganon kadaling magpatawad, pero pipilitin ko. Dahil lahat naman tayo ay deserve na magkaroon ng second chance."sambit niya sa akin saka sumakay na sa sasakyan niya.
Wala na akong nagawa kundi ang bumalik nalang sa bahay, at mag-isip ng paraan kung ano ang gagawin ko para mapatawad na niya ako.
End of flashback.
Kinabukasan non ay kinausap ko si Ms. Bas at tinanong kung saan pumunta si Camille, saka ako lumipad papunta roon. Sumunod din kinabukasan si James.
Nang matapos kami sa pag-aayos ay bumalik na kami sa kani-kaniyang classroom namin, at nagbalik-aral na.
Lunch break...
"Nadine, tara na."mahinang aya ni Odessa, dahil baka malaman ni Charles. Pasikreto kaming lumabas at sumakay sa sasakyan ng school, susunduin na namin si Camille.
CAMILLE'S POV
“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 12:33 pm and the temperature is 38 degrees Celsius.
For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about..."nagising ako sa anunsyo. Bumangon kaagad ako at inayos ang sarili ko.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 57 ♥ HOME
Start from the beginning
