CHAPTER 57 ♥ HOME

Start from the beginning
                                        

"Ask for their forgiveness, mag-effort ka kung hindi ka nila mapatawad kaagad."sagot sa akin ni James. Pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko.

"Bakit ba kasi nangyari sa'kin 'to? Naging demonyo ako!"inis na sambit ko sa sarili ko.

"Ganyan talaga ang nangyayari kapag may isang bagay na gustong-gusto mong makuha."paliwanag pa ni James.

"Bakit hindi mo 'ko tinalikuran kahit na mali na ang ginagawa ko?"pag-iiba ko. Pansin kong nag-iba ang reaksyon ng mukha niya. Tumingin siya sa akin ng direkta, diretso sa aking mga mata.

"Dahil mahalaga ka sa akin. Hindi kita tinutulungan sa mga masamang gawain mo, pero pinaaalalahanan kita kung ano ang magiging resulta ng mga ginagawa mo. Dahil ayokong mapahamak ka. Dahil MAHAL KITA."makahulugang sambit ni James. Para akong nagising sa huling salitang kaniyang binitiwan.

Andami ko nang pagkakamali, naging manhid ako, hindi ko alam na may tao palang sobrang nagpapahalaga sa akin.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

"Katulad mo rin ako, nahihirapan, pero tiniis ko ang lahat ng 'yon dahil mahal kita. Ginawan ko ba ng mali si Charles? Hindi diba? Dahil wala naman siyang ginagawa sa akin. Ikaw, wala namang ginagawa sa'yo si Camille, pero pinahihirapan mo siya."paliwanag pa niya. Pinakikinggan ko lang siya, ipinapasak lahat sa isipan ko.

Lalo akong nanlulumo kapag inaalala ang mga ginawa ko kay Camille, lahat ng binitiwan kong salita.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now