"Talaga?"ulit pa niya at tumango nalang ako.
"Buti naman at pumayag ka na."nakangising sambit niya.
"Ano nang plano? Malapit nang dumating si Camille."pag-iiba ko. Pinalapit niya ako sa kaniya at ibinulong niya sa akin ang plano niya.
"Pa-importante ang babaeng 'yon, magpapa-party pa para sa kaniya."inis na sambit ni Milliseth. Eh kasi naman ikaw, ano bang naitulong mo sa school na 'to? Puro kasamaan diba?
Tignan lang natin kung sino ang mapapahiya, MilliBWISETh.
Bumalik na ako sa multipurpose hall para tumulong sa pag-aayos.
"Nadine."tawag sa akin ni Sky, kasunod niya sina Lawrence, Odessa, at Sophie. Kaya naman lumapit ako sa kanila.
"Ano 'yon?"tanong ko.
"Sumama ka sa amin mamaya, susunduin natin si Camille sa airport."mahinang sambit ni Lawrence.
"O sige, alam ba ni Charles?"sagot ko sa kanila.
Sabay-sabay naman silang umiling.
"Ayaw ipasabi ni Ate Camille."sambit ni Sophie. Tumango-tango nalang ako.
"Nagpaalam narin kami kina Ms. Bas na tayo ang susundo kay Camille."pagbibigay-alam pa ni Sky. Nang makita naming papalapit dito si Charles, nagkaniya-kaniyang balik na kami sa aming mga ginagawa.
Ang sarap sa pakiramdam na walang problema o kung ano mang hindi magandang bagay. Ang lahat ng ginawa ko ay pinagsisihan ko talaga ng sobra. Maraming salamat kay James.
Flashback...
"I need you, puntahan mo 'ko dito sa bahay."text ko kay James. Kailangan na kailangan ko siya. Sobra ang hiya ko dahil nalaman ni Charles ang lahat ng ginawa ko.
Hindi nagreply si James, andito lang ako sa may garden at ibinubuhos lahat ng luhang kaya kong iiyak.
Ilang sandali pa...
"Nabuking ka na ano?"sambit ni James nang maupo siya sa tabi ko. "Ilang beses na kitang sinabihan, pinaalalahanan, binalaan, pero hindi ka nakinig sa akin. Ano ngayon ang nangyari? Lalong nagalit sa'yo."dagdag pa nito.
"Ano nang gagawin ko? Baka hindi na nila ako tanggapin. Lalo na si Camille."sambit ko habang tumatangis.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 57 ♥ HOME
Start from the beginning
