Dear God, alam kong hindi ako paladasal, hindi ako malapit at hindi solido ang pananampalataya ko sa Inyo. Pero sana ay pakinggan Mo ang dasal ko ngayon. Wala na po akong pakialam kung ano ang nangyari sa amin ni Camille noon! Kakalimutan ko na ang lahat-lahat ng galit at poot dito sa dibdib ko! Basta po, tulungan Niyo ho siyang makaligtas ngayon. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ako nagsisisi sa pagiging marahas ko sa kanya! Please po, iligtas Niyo ho siya. Iligtas Mo po ang babae'ng pinakamamahal ko. Hindi ko po kayang mawala siya sa'kin. I want to spend my lifetime with her. And please, save that man, Evangelista, too. Alam kong malulungkot si Camille kapag mawawala siya. Lord God, please hear my prayer.

"Doc!"

Iminulat ko ang mga mata nang marinig iyon.

Lumabas na ang doktor sa loob ng OR.

Agad akong napatayo at lumapit dito.

"How's the patient, doc?"
Kinakabahang tanong ko rito.

"H-How's our daughter?"
Katulad ko ay kinakabahan ding tanong ni Tita Alicia rito.

Seryoso ang mukha ng doktor habang matiim na nakatingin sa amin.

"We've tried our very best, but I am sorry to say that, we've failed--------"

Para akong nabingi nang marinig ang isinagot nito sa'min.

Nanghihinang napaupo ako.
Para akong binagsakan ng mundo.
Unti-unting nanubig ang mga mata ko. Di ako makapagsalita. Narinig ko ang paghikbi nina Mom at Tita Alicia.
Napasuntok naman sa dingding si Tito Roman.

"——He had lost so much blood. Hindi na kinaya ng katawan niya sa dami ng dugong nawala sa kanya. I'm very sorry."

Natigilan ako. Awtomatikong napatingin sa doctor nang marinig ang idinugtong nito.

"H-He?"
Nanginginig ang bibig na tanong ko rito.

Tiningnan niya ako habang tumatango.

"Yes, Sir! We haven't saved the guy's life. Pero yung babae, she's now safe.——"

Nakahinga ako ng maluwag.

"—Nakuha na namin 'yung bala sa tagiliran niya. Don't worry, she'll be fine. Ililipat na din siya ng kwarto maya-maya lang."

"Salamat sa Diyos!"
Naiiyak na bulalas ni Tita Alicia.

Napabuga ako ng hangin sa magkahalong emosyon.  Breath of relief.

Mahinang natawa ako.

Takteng doctor naman oh!

Pinaiyak niya pa kami!

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ang sinabi ng doktor kani-kanina lang.

Evangelista!

Damn man! Sinabi ko naman na ako 'yung papatay sa kanya, di ba? Pero bakit hinayaan niyang patayin siya nung walangyang Lianne na 'yun?!

That b*tch will pay big time!

Sisiguraduhin ko talagang mabubulok siya sa kulungan!

******

"Sobrang saya namin nang malaman naming ligtas ka na.—"
Kinakausap ko ang walang-malay na si Camille habang hawak-hawak ang isang kamay nito.

Nailipat na siya ng kwarto.

"—Pero nalulungkot din ako at the same time hearing Evangelista didn't make it. He's in the morgue now. I-I'm sorry, Camille. Alam kong importante na siya sa'yo. I'm sorry, hindi ko siya nailigtas."
Kinakausap ko ang walang malay na si Camille.

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon