-Prologue (UPDATED) -

15.2K 159 2
                                    

-Shane Heart Wilson-


Shane's POV

Ayoko na dito. Ayokong hayaan na lang masaktan niya ulit ang puso ko. Ang puso kong binuhos ko lahat-lahat para sa kanya hanggang sa puntong binigay ko pati kaluluwa ko.

Ng dahil lang sa tang-inang pag-ibig nato. Mukha na akong baliw. Na parang asong laging humahabol sa likuran niya.

Ayoko ng maniwala sa mga pinagsasabi niyang minamahal nya daw ako. Na poprotektahan nya ako kahit kailan.

Gusto ko nang manirahan sa tahimik na lugar na walang sinuman ang makakita sakin. Lalong lalo na yung napakabwisit kong asawa. Oo, siya, siya ang dahilan ng lahat ng ito.

Bakit ba ganito ang buhay ko? Wala naman akong ginagawang masama ah?. Mahirap ba maging loyal nalang sa isa't-isa? Mahirap bang alagain ako at mahalin ako bilang asawa?

Ganun lang talaga ang ugali ng lokong yun. May saltik ata sa utak yon e. Kulang sa pag aaruga ng kanyang pamilya.

Ako nga pala si Shane heart Wilson
Isa akong nerd, opo, matalino ako. Kaso bobo ako pagdating sa pagmahalan. Isa akong half German half Filipino. Maputi't makinis naman ang balat ko. Maganda rin naman ang katawan ko pero ewan kung pati itsura ko ganun rin.

Nakatira sa isang normal na subdivision lamang. Yung tipong moderno lang ang disenyo ng bahay namin. Hindi naman kami gaanong kayaman, nasa palagitnaan lang kami.

Yung asawa ko ang pinakamayaman dito sa baryo namin. Sikat rin siya dito, hindi naman siya artista pero kahit sino pa tanungin mo, kilalang- kilala siya.

Gusto niyo bang malaman kung bakit ko siya naging asawa?

I was forced to this arrange marriage thing...

Kung hindi lang siguro magkababata ang aking pamilya at kanyang pamilya , hindi sana ako pumasok sa ganitong sitwasyon.

Eh anung magagawa ko?

IM BEING FORCED MARRIED TO THE WORST MAN OF MY LIFE..

© -Yan's- stories | all rights reserved

NOTE:

This is the author's original story
I did not steal any stories from others.

Kung may word kayong di na iintindihan sa story ko just comment to that certain paragraph.

THANK YOU 💜💜

-YAN-

-FORCED MARRIAGE- (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon