“mangako ka sakin!”tumango nalang ito at niyakap ako

“umuwi na tayo please..”

“sige..aayusin ko lang yung bill mo”nag nod nalang ako at hinintay ito

Wala naman itong imik habang nag da-drive nang kotse nang makaalis kami nang ospital.sa totoo lang parang baliwala lang at hindi naman big deal sakin yung sinabi nang Doctor,pakiramdam ko nga nakagaan pa nang loob ko yun.

Kung tutuusin dapat nga noon pa iyon nangyari bilang kapalit sa lahat nang mga nagawa namin.nag-salita naman ako para mawala ang katahimikan naming dalawa.

“kamusta naman kayo nang Mommy mo?”tumingin naman ito saglit sakin bago muling tinutok ang mata sa pag da-drive

“ayos lang,hindi na ganung kalala ang gap kumpara noon”

“mabuti naman kung ganon”

“si Harley at kayo kamusta,I heard na nakabuntis siya”natawa naman ako nang pagak sa sinabi nito

“ang bilis nang tsismiss ah..”tumawa naman ito

“well,ganun talaga!sikat siyang agent,nagkataon pa na yung kliyente ko kagabi ay ama nang babaeng nabuntis niya”napatingin naman ako dito

“talaga?”

“yup!nagulat nga ako nang malaman kong si Harley daw ang Ama nang magiging apo niya,ilang beses ko pa ngang pinaulit-ulit ang buong pangalan ni Harley para makasigurong siya talaga ang tinutukoy nang kliyente ko”

“it’s true!na meet ko na yung girl,sa totoo lang siya ang problema naming ni Harley ngayon”

“bakit?”kinuwento ko naman dito ang lahat,napailing na nga lang ito pagkatapos

“nakakaloka lang ang nangyayari sa buhay ko,nakakatawa no?”

“anong balak mo?ang Ama niya ay isang makapang-yarihang tao sa larangan nang business World,ang alam ko nga halos kalahati nang isang resort na pag mamay-ari nang lolo ni Harley ay kasosyo ang Daddy nang nabuntis na babae niya.siguradong mahihirapan si Harley na hindi panagutan ang babaeng iyon”natahimik naman ako at napa buntong-hininga

“kung mapapatunayan kong si Harley ang talagang Ama nang bata,igigive-up ko na siya.pero sa ngayon na wala pa akong patunay,lalaban parin ako,katulad nang sinabi niya saking ipaglalaban niya ako hanggan sa huli”

“sigurado kana ba sa balak mo?”tumango ako

“napag-isipan ko na iyan kagabi,sa totoo lang yung ibang bahagi nang utak ko gusto nang mag-give up,pero yung buong puso ko gusto pang lumaban”

“huwag kang mag-alala,kukuha ako na susubaybay sa babaeng iyon para malaman kung si Harley talaga ang ama nang dinadala niya”

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ