"Kasi, akala ko hindi na ako gagaling."panimula niya. Bakas sa kaniyang mukha ang kahirapan na nararanasan niya. Pansin ko ring namayat siya. "Ayokong maiwan kang mag-isa, kaya hindi na kita tinanggap ulit. Dahil alam kong mahal na mahal natin ang isa't-isa. Natatakot akong maiwan ka."dagdag pa niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
"Kaya sana, ngayon. Tanggapin mo akong muli kahit na nasaktan kita ng sobra. Nasabi ko na ang lahat sa'yo. Kaya sana, papasukin mo ulit ako sa buhay mo."pakiusap nito. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Charles, magsimula ulit tayo. Ipinapangako ko sa'yo na hindi na ako ulit maglilihim ng kahit anong bagay mula sa'yo."hagulgol niya sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya, nahihirapan ako. May babae na ulit na nakapagpapasaya sa akin, at alam ko sa sarili kong mahal ko na siya. Pero, itong nararamdaman ko ngayon kay Nadine ay hindi ko maintindihan.
"Nadine, hindi tayo mabubuo kaagad. I need some time to think. Hindi madali ang gusto mo. Ilang buwan din akong naging pabaya sa sarili ko ng dahil sa'yo. Alam kong nahihirapan ka, at ganuon din ako."buong loob kong sambit sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin habang tumatangis.
"I understand. Kaya bibigyan kita ng time. Hihintayin ko ang magiging response mo."pilit na ngiting sagot niya sa akin.
"Mauuna na ako."sambit ko nalang at agad nang lumabas. Kasabay ng paglabas ko ang pagpasok ng isang waitress. Naupo muna ako sandali at nanghingi ng tubig, napahawak sa sentido ko.
"Sir! Si ma'am po duon sa loob ng VIP Room nahihirapang huminga!"rinig kong sambit ng isang humahangos na waitress sa kanilang manager kung hindi ako nagkakamali.
Bigla nalang akong napatakbo papunta sa loob ng VIP Room, kasunod ko ang waitress at ang manager ng cafe. Nakahimlay na sa sahig si Nadine. Agad ko siyang binuhat at inilabas ng cafe shop, at isinakay sa aking sasakyan.
"Babalik nalang ako para bayaran 'yong ininom namin."nagmamadali kong sambit duon sa manager na nasa labas narin, tumango naman ito at ako'y sumakay na at pinaandar ang sasakyan papunta sa ospital.
Hindi rin kakayanin ng konsensya ko na hindi siya tulungan.
JAMES' POV
Nandito ako sa bahay, nakaupo sa may tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.
Iniisip kung ano na ang nangyari sa pag-uusap ni Nadine at Charles. Naalala ko pa kahapon, tuwang-tuwa siya dahil pumayag na makipagkita si Charles. Nakisaya nalang rin ako sa kaniya kahit na masakit sa kaloob-looban ko.
Sinamahan ko siya at tinulungan sa paghihirap niya, sa mga pinagdaanan niya. Nagpagamit ako sa kaniya noon nuong naghiwalay sila ni Charles. Hanggang sa pumunta sa States para makapagpagamot siya.
Ilang buwan rin kaming magkasama, at ang akala ko ay maibabaling na niya ang atensyon at pagmamahal niya sa akin. Kaso, nagkamali ako. Si Charles parin ang laman ng puso niya.
Nagpapakamartir ako dahil mahal ko siya, mahal na mahal na mahal. Ang masama ay hindi niya ito napapansin.
Ipagpapatuloy ko pa ba ang pagpapakatanga ko sa kaniya?
CAMILLE'S POV
"Hindi ka pa ba aakyat sa itaas?"tanong sa akin ni papa dahil mag-aalas otso na.
"Mamaya na po."sagot ko. Ako nalang ang naiwan mag-isa sa baba kasama ang ilang kasambahay. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pang umakyat, parang may pumipigil sa akin. Kadalasan, maaga akong umaakyat eh.
Maiba lang ako, saan kaya patutungo si Charles? Umalis kasi siya kanina at mukhang may kakatagpuin.
CHARLES' POV
"Nabinat siya kaya siya nagkaganon. Dagdag pa ang stress at sobrang pag-iyak. Nahirapan siya sa paghinga. Makasasama ito sa kaniya, baka tumaas ulit ang tsansa na bumalik ang sakit niya. At pagnagkataon, baka hindi na muling maisalba ang buhay niya. Kaya, sana ay wala na munang makapagpapastress sa kaniya, iwasan ang pag-iyak, mga nakakapagod na gawain, at...."paliwanag ng doctor. Mas lalo ako nahahabag sa kaniya. Andaming bagay na pumapasok sa isipan ko. Paano kung dahil sa akin ay bumalik ang sakit niya?
Nasa private room na si Nadine, samantalang ako ay nasa labas at nakaupo habang nakayuko at nag-iisip. Tinawagan ko narin si James, papunta na raw siya dito. Tatawagan ko sana si tito, kaso naalala ko ang sinabi ni Nadine kanina. Na hindi alam nila tito ang kalagayan niya.
"Nasaan na si Nadine?!"humahangos na tanong ni James pagkarating niya.
"Nasa loob na ng kwarto, nagpapahinga."walang emosyon kong sagot. Parang naubos ang lakas ko. Agad nang pumasok sa loob si James.
Tumayo na ako at napagdesisyonan na umalis na. "Mr. Andrada."rinig kong tawag sa akin ng doctor kaya liningon ko ito.
"Pwede ba kitang makausap sandali?"tanong nito at pumayag naman ako. Inanyayahan ako nito na pumunta sa opisina niya.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na ang pag-uusap namin. "Mauuna na po ako."paalam ko at nginitian nalang ako nito.
SA BAHAY...
"Ba't diyan natulog si Camille?"tanong ko kay Yaya Doris.
"Hindi rin po namin alam eh, ayaw pa raw ho niyang umakyat."sagot naman niya.
Paano kung nahulog siya diyan? Magkakaroon na naman ng galos 'yang ulo niya, malalamog na talaga 'yan.
Dahil mantika kung matulog si Camille, napagdesisyonan kong buhatin nalang siya at dalhin sa kwarto niya.
Alam kong hinihintay mo ako kaya hindi ka pa umakyat. 'Wag mong ipagkakaila sa akin bukas 'yan.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 44 ❤ SECOND CHANCE
Start from the beginning
