"Hi good morning kain kana ah nakapagluto na ako."



Di ko siya pinansin ngunit tila parang may nagiba sa pangangatawan niya.



Umupo na ako at kumain.




Nakangiti naman siya sakin.




"Lilinisin ko na ang kuwarto mo para pag akyat mo makaligo kana."



Akmang aalis na siya ng tawagin ko siya.



"Jacob wait, sabayan mo ako kumain." Nagulat siya sa sinabi ko at halata sakanya ang labis na kasiyahan.




Oh God bakit siya ganyan? I mean para siyang may sakit ngayon ko lang napansin na ibang iba na siya ang putla niya. Diyos ko may hindi ba ako nalalaman?




Aminin ko man o hindi ngunit may pagaalala parin ako sa puso ko.




"Ahm kain kapa baka gutom kapa."



Nilagyan ko ang plato niya at kita kong ngumiti siya sa labis na tuwa.



Maya maya pa ay habang kumakain kami inoobserbahan ko lang siya.



Nakita ko na parang may dinadaing siya na pinipigilan lang niya wag ipahalata sakin. Pinagpapawisan siya kahit na naka aircon naman ang buong bahay.




Hinawakan ko ang kamay niya. God bakit ang lamig? Okay lang kaya siya?





"Jacob namumutla ka are you oka-" di ko na natuloy ang sinabi ko ng bigla siyang tumumba sa harap ko.





"Jacob!" Labis na takot ang naramdaman ko.

Kagad akong nagpatulong sa mga kasambahay at inihatid ko agad si Jacob sa hospital.


Hindi ko alam pero tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko habang tinatahak ang daan.



Lalo pa siyang namumutla. Ng makarating kami ay kagad siyang dinala sa E.R.



Kinuha ko ang phone niya at tinawagan si Nikko. Hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na yon baka sakaling may alam ito kailangan kong malaman ang lahat.



...

"Anong nangyari?!" Dali dali ang pagtakbo ni Nikko kasama ang asawa niyang si Sofie papunta sa kinaroroonan ko.



Umiiyak lang ako ng umiiyak.



"Shhhh wag ka ng umiyak Ms. Shantal." Hagod ni Sofie sa likod ko.




"Sofie ako to. Ako si Ruby." Tuloy tuloy padin ang pag agos ng mga luha ko.




"Alam na namin yon Ruby."



Niyakap ko ng mahigpit si Sofie habang umiiyak.



"Ano bang nangyayari? Bigla nalang bumagsak si Jacob Sofie?"




Sabay kaming napalingon kay Nikko na tila may nalalaman.




"Mahal? May alam kaba kung anong nangyayare kay Jacob?"




Saglit na tumahimik ito.




"Nangako ako kay Jacob na ililihim ko to dahil gusto niyang mapatawad siya ni Ruby hindi dahil sa may sakit siya."




"Ano?! Anong sakit niya? Sabihin mo sakin Nikko." Nakahawak na ako sa braso ni Nikko at nagmamakaawang sabihin niya.




"Leukemia."






Ng marinig ko ang sagot niya ay tila tumigil ang mundo ko. Hindi pa ako handa mawala ang lalaking pinakamamahal ko. Oo mahal ko padin si Jacob at labis kong pinagsisihan ang mga panahong pinahirapan ko siya.





"Shhh Ruby please wag kana umiyak makakaya ni Jacob yon." Sabi sakin ni Sofie habang nakayakap siya.




"Hindi ko kayang mawala siya Sofie mahal na mahal ko padin ang asawa ko." Sabi ko sakanya.




Maya maya pa ay lumabas na ang Tito Conrad ni Nikko.




Sinabi niya samin ang kalagayan ni Jacob at palala daw ng palala ito.



"Kailangan pa niyang sumailalim sa mga exams di biro ang Leukemia traydor ang sakit nato kaya kailangan nating maagapan." Iyon na lamang ang huli niyang sinabi bago umalis.




....

Pumasok na muna kami sa kuwarto kung nasan si Jacob. Nakita ko itong nakatulala sa kisama kaya agad akong lumapit sakanya at niyakap ko siya.




Nagulat siya sa ginawa ko at di agad nakapagreact.



"Jacob bakit di mo sakin sinabi may sakit ka." Hawak hawak ko ang mukha niya habang patuloy akong umiiyak.




Nagulat siya sa pagiyak ko kaya isa isa niyang pinunasan ang mga luha ko.




"Shhhh don't cry my Wife."





Mas lalo lang akong umiyak sa mga sinabi niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.



"Wag mo akong iiwan Jacob please mahal na mahal padin kita."



Ngumiti ito at hinawakan ang magkabilang pisnge ko at pinagdikit ang noo naming dalawa. Tumutulo ang luha ko sa mga pisnge niya.




"Napatawad mo naba ako sa nagawa kong kasalanan sayo?"




"Shhh wala kang kasalanan masiyado lang kitang sinisi sa pagkawala ng anak natin." Di ko napigilan ang labis na pagluha at nakita ko rin ang butil na kumawala sa mga mata ni Jacob.




"Thank you my Wife. Salamat at napatawad mo ako."




"Jacob patawarin mo rin ako sa pagpapahirap ko sayo."



Kagad ko siyang niyakap at patuloy na umiyak. Hindi ko ata makakayang mawala siya kaya gagawin ko ang lahat mapagamot lamang siya.




"Don't cry baby hindi ko kayang nakikita kang lumuluha." Sabi niya.




Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko at luha niya.




"Pupunta tayong America ipapagamot kita Jacob." Sabi ko sakanya at hinalikan ko siya sa mga labi niya.




Nakita ko namang umiiyak si Sofie sa tagpong yon at napayakap na siya kay Nikko.




"Please Jacob wag kang bibitaw ha. Gagawa pa tayo ng malaking pamilya." Sabi ko sakanya at natuwa naman siya.





"Para sayo lalaban ako Ruby."




Muli ko siyang niyakap at hinalikan.




Hindi na ako makakapayag na mawala siya lalo na at nalaman ko sa puso ko na siya padin ang laman nito.




___________

Hi guys please keep on voting:) comment nadin kayo ano tingin niyo mangyayare?

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now