"-I've been thinking this since yesterday."

Nahimigan ko ang pag-aalangan sa boses niya.

"- Can we be friends?"

Awtomatikong napatingin ulit ako sa kanya nang marinig ang tanong niya na 'yun.

"- Can we be friends for Ethan's sake?"

Be friends. For our child's sake.

Medyo may kumirot sa dibdib ko.

Ano pa nga bang ineexpect mo, Camille? More than that?

Of course, he won't ask that! Kasi may girlfriend na siya, at napakaganda pa. Ano'ng binatbat ko dun? Walang-wala!

"I'm sincerely offering you my friendship, Camille. I just think that things will be better that way."

Pilit na nginitian ko siya.

"O-Okay."
All I managed to say.

Nagbaba ako ng tingin dahil baka makita niya ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko.

"Good mo- oh Camille! You're here! Hi!"

Kinalma ko ang sarili nang marinig ang maarteng boses na 'yun ni Lianne. She's just right on time. Gustong-gusto ko na din kasing lumabas ng kwarto na'to ngayon eh.

"A-Ah. M-Mauna na pala ako sa inyo. N-Nakaconfine din kasi dito ngayon ang kapatid ko, puntahan ko muna siya."

Pilit ulit akong ngumiti kay Ken at kay Lianne bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang lalaking patakbong naglalakad sa direksiyon ko.

Buti nalang talaga at nahawakan ako nung gago kundi maghahalikan kami ng sahig!

Inis na tiningnan ko ito.

"L-Look, I am very sorry, Miss."
Hinging pasensya nya sa'kin.

"SINO BA KASING MAYSABI SA'YONG GAWING PLAYGROUND 'TONG OSPITAL HA?!"
Bulyaw ko sa kanya.

I didn't give him a chance to speak up, I quickly left and went to Trixie's hospital room.

Badtrip!

"Anak."
Napatayo agad si Alicia nang makita ako.

"K-Kamusta na po si Trixie? Yung baby niya?"
Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin.

"Salamat sa Diyos at pareho silang nakaligtas ng anak niya. Sa ngayon ay natutulog pa rin si Trixie while the baby's in the incubator."

Masaya ako sa narinig.

I stared at Trixie.

Napangiti ako nang makita si Paulo sa gilid nito. Kung naaalala niyo pa, si Paulo yung kaibigan ni Borgy, yung minsang naghatid sa kanya sa bahay noong lasing siya.
Siya pala ang fiance ng kapatid ko.

Masaya ako para sa kanila.

"Anak? Pwede na ba tayong mag-usap?"

Nilingon ko si Alicia.

Siguro ito na talaga ang oras para marinig ko ang panig niya.

"S-Sige ho."

Lumabas kami at nagpunta sa isang malapit na plaza, kung saan tahimik at malaya kaming makakapag-usap ni Alicia.

"I really wanted to tell you the untold story why I left you and your father."

"Go on. Andami ko rin kasing tanong sa isip na nananatiling walang kasagutan. I've been bearing this for years. Siguro ito na talaga ang tamang oras para masagot mo ang lahat ng mga katanungang ito."

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon