CHAPTER 43 ❤ KNIGHTS

Start from the beginning
                                        

Ibinagsak ko ang dalawa kong kamay sa table kung saan sila nakaupo. Nasindak naman sila. Nanlaki ang dalawang mata nila.

"Hoy kayo, magbubulungan na nga lang kayo, eh 'yong rinig pa. Pwede ba, 'wag niyo pakialaman ang buhay ko kung ano man ang meron ako. At isa pa, hindi ko boyfriend si CHARLES ANDRADA. Kaya 'yang mga bibig niyo, itikom niyo 'yan o ako mismo ang tatahi niyan para sumara na ng tuluyan 'yan. Imbes na buhay ko ang pakialaman niyo, ayusin niyo muna 'yang mga mukha at ugali nyo ha. 'Wag niyo kong mairap-irapan, baka gusto niyong dukutin ko 'yang mga mata niyo at ihawin ko?"galit na sabi ko saka akma ng aalis sa harapan nila. Kaso, biglang may nagsalita pero hindi ko alam kung sino dahil nakatalikod ako.

"Tama ang sinabi ni Camille, 'wag niyong pakialaman ang buhay niya. Wala kayong pakialam kung sino mang lalaki ang umaaligid sa kaniya. Insecure lang kayo kaya ganiyan kayo."sabi ng lalaki tapos may nagsalita pang isa.

"Kayong mga nangengealam sa buhay niya, 'wag niyo siyang pakialaman. Kung hindi niyo naman mapigilan ang sarili niyo, bukas ang gate ng school na ito. At umalis na kayo dito. Walang pumipigil sa inyo."sabi ng pangalawang lalaki. Haharap na sana ako, kaso may nagsalita na naman.

"Hindi nga ako totoong boyfriend ni Camille Ocampo, pero malapit ng maging totoo 'yon. Kaya kayong mga pinagbubulungan siya, tumigil na kayo. O ako mismo ang magpapatigil sa inyo. Kung gusto niyo pang gumanda 'yang buhay niyo, tigilan niyo siya."sabi ng lalaki.

Mukhang alam ko na kung sino 'yong mga nagsalita na 'yon. Hindi na ako humarap, at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad saka dumiretso sa cr para magpalit.

MILLISETH'S POV

"Hay nako, tignan niyo. Akala ko ba mga best actress kayo eh bakit pumalya kayo?!"nanggagalaiting sambit ko sa apat na babae na inutusan ko kanina na pag-usapan nila si Camille sa harap mismo niya.

"Sorry madam, hindi naman namin alam na ipagtatanggol siya nung mga knight in shining armor niya eh."sagot ni Cathy.

"GRRR! EWAN KO SA INYO!"sabi ko nalang saka umalis na.

"Kailan daw 'yong pasahan ng project?"rinig kong sambit ng isang babae sa kaibigan niya.

"Bukas daw."sagot naman nung isa. Project, project, project. Napangiti nalang ako sa naisip ko.

SOPHIE'S POV

Kanina, nasaksihan ko kung paano ipinagtanggol ni Kuya Sky si Ate Camille. Talagang mahal nga niya si Ate Camille. Wala na talaga atang pag-asa.

Pupunta sana ako sa canteen, kaso 'yon ang naabutan ko. Hindi nalang ako tumuloy.

"Okay lang 'yan bessy, marami pang boys diyan sa paligid. Hindi lang ang brother ko."pag-alo sa akin ni Quiana. "Magpalit na tayo ng jersey, may training tayo ngayon."sabi pa niya. Tumango nalang ako at sumama sa kaniya na magpalit.

CAMILLE'S POV

"Mine!"

"Mine!"

"Yours!"

Sigaw namin habang naglalaro ng volleyball. Ilang oras narin ang lumipas, at patuloy parin kami sa paglalaro. May sakit kaya si Sophie? Ang tamlay niya eh.

"Time out muna."sambit ni coach, kaya nilapitan ko na si Sophie.

"Okay ka lang?"tanong ko kay Sophie saka siya inabutan ng tubig.

"Salamat ate."nakangiting sagot nito.

"WAAAAH SI PAPA CHARLES!"

"LAWRENCE MY BEBELUVS!"

"LANGIIIT KOOO!"

Binaling ko ang aking paningin sa may pintuan, nanduon ang tatlo. Pawis na pawis, suot-suot ang kanilang jersey dahil may training din sila. Why so hot? Bad mouth, Camille.

"Tubig oh."abot sa akin ni Sky.

"May tubig na ako."tanggi ko.

"Biscuit para sayo, baka gutom ka na."si Lawrence.

Umiling ako. "Kakakain ko lang."sagot ko.

"Towel oh, pawis ka na."si Charles.

"May towel akong dala."tanggi ko. Tumayo na ako at nagdiretso kay coach. Hindi na nila ako nilapitan pa at umalis na lang.

--

7 pm...

CHARLES' POV

7 pm na, at naalala ko na makikipagkita nga pala ako sa nagmessage sa akin kagabi para malaman ko kung sino siya.

Hindi ko na naabutan si Camille, kasi mas nauna nang natapos ang training nila kaysa sa amin. Pero, sinigurado ko naman na kasabay niya sina Sophie at Kitty.

Nakapagshower narin ako at ngayon aalis na ako.

"Captain, mauna na kami!"paalam ng mga ka-teammate ko.

"Sige."sagot ko, tapos lumabas narin ako.

NADINE'S POV

Andito na ako sa Niña's Cafe, at naghihintay kay Charles. Ako ang nagmemessage sa kaniya kahapon. Ngayon, gusto kong sabihin sa kaniya lahat at gusto kong makipagbalikan sa kaniya at magsimula kami ulit.

Ting!

Wait, may nagtext.

"Saan ka nakaupo?"

Si Charles na pala 'to. Kaya nireplyan ko na siya agad.

"Andito ako sa may VIP ROOM."reply ko.

CHARLES' POV

Bakit kailangan sa VIP ROOM pa? Napakahalaga ba ng pag-uusapan namin? Atsaka celebrity ba siya para hindi siya makita ng mga tao para hindi pagkaguluhan?

Pumunta nalang ako sa VIP ROOM at pagbukas ko...

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now