CHAPTER 43 ❤ KNIGHTS

Start from the beginning
                                        

Akma na akong magsisimula sa pagkain, kaso may bata na naman na dumating. 'Yong bata naman na nagbigay sa akin kanina ng violet na teddy bear.

"Ate, pinapabigay po ni kuya na may-ari nitong school."sambit niya saka iniabot sa akin ang isang malaking size ng ice cream sa DAIRY QUEEN 'yong oreo ang flavor.

"Thank you ha."sabi ko. Nginitian lang ako nung bata, pagkatapos ay umalis na 'yong bata.

Grabe, mapupuno tyan ko nito eh. Pero, okay narin. At least nakatipid ako ngayong araw.

Kumain na ako. Nang maubos ko 'yong McDo, Jollibee naman ang isinunod ko. At pagkabukas ko, may nakasulat sa pinakatakip nung pagkain.

"EAT WELL."

Nage-effort talaga sila sa pagbibigay sa akin ng mga bagay-bagay. Kung sino man 'yong isa pa na nagbibigay sa akin, salamat!

Nang kakainin ko na 'yong ice cream. May nakasulat sa hawakan ng kutsara nito.

"WAG MO UBUSIN 'TO, MATAMIS MASYADO."

Enebe, kinikilig naman ako sa mga 'to. Nacu-curious talaga ako kung sino 'yong pangatlo eh.

CHARLES' POV

"Ano, naubos ba niya?"tanong ko sa isang estudyante na inutusan ko, para silipin kung kinain ba ni Camille 'yong ipinabigay ko kay Kitty.

"Opo, sarap na sarap nga po siya eh."sagot nung estudyante.

"O, eto 500 oh. Wag ka na magreklamo. Kuripot ako ngayon."sabi ko dun sa estudyante.

"Okay lang po."sagot niya saka tinanggap 'yong limang daan.

"Ano boss, sasabihin mo na ba kay Camille na ikaw 'yong isang lalaking nanliligaw sa kaniya?"tanong ni Kenneth isa sa mga ka-teammates ko habang nakaakbay sa akin.

"Hahanap muna ako ng tyempo. Galit pa sa akin 'yon hanggang ngayon."sagot ko.

"Sige boss, goodluck."sabi pa ni Kenneth tapos tinapik ako sa balikat.

CAMILLE'S POV

Pumunta ako sa may locker ko at may mga estudyante akong naririnig na mga nagbubulungan. Hays, nagbubulungan nga rinig naman.

"Balita ko may nanliligaw diyan kay Camille, pero diba sila na ni Charles?"ani unang babae.

"Oo nga, meron nga daw. Tapos, hindi lang ata isa ang nanliligaw sa kaniya kundi tatlo."pag sang-ayon ng pangalawang babae.

"Dapat hindi na niya paasahin 'yong mga nanliligaw sa kaniya, may boyfriend na siya eh."sagot ng pangatlong babae.

"Baka nilalandi niya lang. Alam mo na ang mga prosti, diba?"ani pang-apat na babae.

Narindi ako sa sinabi nung isang babae, 'yong "nilandi" at lalo na 'yong "prosti". Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. Kaya hinarap ko na sila. Feeling ko umuusok na 'yong tainga ko.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now