CHAPTER 43 ❤ KNIGHTS

Start from the beginning
                                        

"Maganda ba 'yong mga teddy bear?"biglang tanong ni Charles.

"Huh?"anong ibig niyang sabihin? Ano 'yong tinutukoy niya?

"Nevermind."sagot nalang niya tsaka humarap muli sa pisara.

"Anong sinasabi ni Charles na mga teddy bear?"mahinang tanong sa akin ni Lawrence.

"Ewan."matipid kong sagot.

Aral

Aral

Aral

Aral

Aral

Makalipas ang ilang oras ng aming pag-aaral. Uwian na. Pero, pagkakain namin kailangan naming bumalik agad kasi magte-training ulit kami para sa dadating naming laban.

Nauna ng lumabas sina Lawrence at Sky, okay alone na naman ako.

Lumabas narin ako ng classroom.

"Hi ate Camille!"bati sa akin ni Kitty.

"Anong ginagawa mo dito Kitty?"tanong ko.

"Ah, inutusan lang po ako. Ito nga po pala oh."sagot ni Kitty sa akin at inabot ang paper bag na dala-dala niya.

"Ano 'to Kitty?"tanong ko saka sinilip ang laman.

"Food po."sagot niya.

"Sinong nag-utos sayo?"tanong ko.

"Secret."sagot niya at ngumiti ng abot hanggang tenga. 'Yong nakakaloko ba.

"Ikaw talaga. Thank you ha."nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Aalis na po ako."paalam ni Kitty.

"Mag-ingat ka pagbaba mo ha."paalala ko sa kaniya, tumango nalang siya at umalis na.

Hays, bakit kailangan pa utusan 'yong bata? Mamaya mahulog pa sa hagdan 'yon eh. Atsaka, sino naman ang mag-uutos sa kaniya?

Sinilip kong muli ang paper bag...

Wow! 'Yong paborito ko, Mcdo. Hays, mapapasarap kain ko nito. May napansin akong post-it paper na nakadikit sa may bandang itaas ng paper bag.

"Pakabusog ka, pero wag kang magpapataba."

Ay grabe, hindi naman ako agad tataba nito eh. Salamat sayo, hindi na ako gagastos. Tipid-tipid.

LAWRENCE'S POV

Teka, mukhang naunahan ako ah. May nauna na sa kaniyang magbigay ng pagkain. At nakita ko sa mukha ni Camille na nagustuhan niya 'yong pagkain. Ano kaya ang pwede kong ibigay sa kaniya?

CAMILLE'S POV

Pumasok na ako sa loob ng classroom, dito nalang ako kakain. Tutal, nandito narin ako.

Biglang may pumasok na bata...

"Ate, pinapabigay po ulit ni kuya."sabi ng bata, 'yong nagbigay ng red na bear kanina. May dala-dala din siyang paper bag, at iniabot niya ito sa akin.

Sinilip ko ito...

Jollibee naman ngayon? Ay grabe, tataba na talaga ako nito.

"Salamat ha. Mag-ingat ka sa pagbaba mo."sabi ko tapos tumango 'yong bata at lumabas na ng classroom.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now