I snapped back to reality and paste back the cold expression on my face.

"Ano ba yung gusto mong pag-usapan, Ken? Sabihin mo na at para makatulog na ako. "
Diretsang tanong niya sa'kin pagkababa niya sa hagdan.

Nanatili akong nakatingin sa kanya.

Damn me! Damn me for feeling this way!

Ngayong malapit na talaga siya sa'kin, parang nanlalambot na naman ako. Matitigan ko lang ang napakaganda niyang mukha, parang gusto ko nalang siyang patawarin at yakapin buong magdamag.

Hindi ko maikakailang, sobrang nangungulila ako sa kanya.

"Ano na?! Kung tungkol 'to kanina sa pag-aaway namin ng girlfriend mo. Inamin ko na di ba? Na ako yung mali!  So ano pang pag-uusapan natin bukod dun?"
Sigaw niya sa'kin na nagpabalik sa katinuan ko.

Damn it! I told you to get a grip of yourself, Ford! Wag na wag kang manlalambot sa babae'ng 'to! She's a freaking liar and a cheater! She fooled you! She fooled your brother! And now, she has a new victim! See? She's just nothing but a freaking whore! Alalahanin mo kung ano yung pakay mo sa kanya at nang matapos na 'to!

Kinalma ko ang sarili at walang emosyong sinalubong ko ang mga tingin niya.

"I just want to talk about Ethan."

Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya. Wari'y kinabahan bigla sa tanong ko.
Nakita ko pa ang paglunok nito.

"W-What about Ethan?"
Di-makatinging tanong nya sa'kin

"Is he mine?"
Diretsang tanong ko sa kanya.

Nakita kong natigilan siya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat nya.

"Look at me in the eyes, Camille!  Ako ba ang ama ni Ethan huh?"

Pumiksi siya at tumawa ng pagak.

"A-ano ba yang pinagsasabi mo? A-anak namin ni Borgy si Etha—"

Hinablot ko ang mga braso niya.

"Liar! The child's my infant replica! Kamukhang-kamukha ko siya Camille! So answer me honestly!"

Her lips began to tremble.

"H-Hindi! H-Hindi mo siya anak!"
Nauutal na sagot niya sa'kin.

Diniinan ko ang pagkakahawak sa braso niya. Napangiwi siya sa sakit.

"Alam kong nagsisinungaling ka na naman! Kitang-kita sa mga mata mo, Camille. Ramdam ko na anak ko si Ethan. Pero gusto kong marinig mula sa mga labi mo kung totoo ba ito! Tatanungin ulit kita, ako ba ang ama ni Ethan?!"
I gritted my teeth.

Napatungo siya. Her shoulders began to move up and down. Then I hear her incessant sobbing.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero pinigilan ko ang sarili.

"G-Gusto mong marinig ang katotohanan?"
She stared at me fiercely while tears are flowing from her eyes.

"Oo! Anak mo si Ethan! Masaya ka na?"

May hinala na talaga akong anak ko si Ethan pero iba pa rin talaga ang impact hearing it from Camille's mouth. Binaha ng samo't saring emosyon ang dibdib ko. Pero nangingibabaw pa rin ang sakit. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako ngayon.

"B-Bakit hindi mo sinabi sa'kin agad?"
Parang kinapos sa hiningang tanong ko sa kanya.

"Kung sinabi ko ba sa'yo 'to noon ay paniniwalaan mo ako? Hindi, di ba? Dahil ang tingin mo sa'kin ay isang napakababang uri ng babae!"
Umiiyak na sigaw niya sa mukha ko.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now