CHAPTER 42 ❤ PAGBABALIK

Start from the beginning
                                        

Andito na kami sa may department store, naglalakad kami habang kumakain ng ice cream.

"Ano bang pwede kong ibigay kay Camille?"tanong sa akin ni Kuya Sky.

"Ahh...ang alam kong gusto nya. Teddy bear, tapos ang favorite color niya is violet."sagot ko sa kaniya.

"Nako thank you, buti alam mo."sabi pa niya.

"Wala 'yon, friends naman tayo eh."sabi ko nalang.

Ako kaya, kailan mo reregaluhan? Kahit sana sa panaginip nalang. Hays. Umasa ka nalang ng umasa Sophie, libre naman.

Pumunta kami sa blue magic at  pumili ng teddy bear na kulay violet.

CHARLES' POV

Andito na ako sa kwarto ko, kararating ko lang. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at tinignan kung nagreply 'yong taong nagmessage sa akin kanina.

Pagtingin ko.

"GUSTO MONG MALAMAN KUNG SINO AKO? LET'S MEET TOMORROW NIGHT 7 PM AT NIÑA'S CAFE."

Niña's Cafe? Yun 'yong lugar kung saan kami unang pumupunta ni Nadine kapag mamamasyal kami. Bakit kaya duon?

Hindi ko na nireplyan 'yong message sa akin.

Gusto kong makilala kung sino 'yong tao na 'yon. Ano ang connection naming dalawa? Bakit ganon ang message niya sa akin?

CAMILLE'S POV

10 pm na, kahahatid lang sa akin ni Nadine dito sa bahay.   Nakita kong papasok ng bahay si Sophie.

"O, mukhang namasyal ka rin Sophie ah."sabi ko.

"Ah oo, kasama ko si Kuya Sky."sagot ni Sophie.

"Yieee."pang-aasar ko pagkalapit ko sa kaniya. "O, bakit mukhang malungkot ka ata. Diba, dapat masaya ka kasi nagkaroon kayo ng bonding na dalawa."sabi ko pa. Ang tamlay niya eh.

"Pagod lang siguro ako ate."pilit na ngiting sagot niya.

"Sige, magpahinga ka na. Mag beauty rest ka na."sabi ko saka siya nginitian. Nginitian niya lang rin ako.

Nakakapagod masyado, pero ang saya naman, sobra. Umakyat na ako sa taas.

"Saan ka galing?"biglang tanong ni Charles nang makita niya ako.

"Bakit ko sasabihin?"sagot ko sa kaniya.

"Eh kasi..."hindi siya makasagot.

"Eh kasi ano? Tsk."sabi ko nalang at pumasok sa kwarto ko.

NADINE'S POV

Namiss niyo ba ako?

Well, katulad nga ng sabi ni Camille kanina. Naging successful ang operation ko, kaya nga andito ako ngayon sa Pilipinas. Actually, kahapon pa lang ako nakauwi. Nagpahinga muna ako, kasi nga kararating ko lang. Kaya kanina ako pumunta sa school.

Hindi pa ako masyadong nakakarecover, kailangan ko parin pumunta sa ospital every week para matignan ang kalagayan ko.

Andito ako sa room ko, sa may tapat ng cabinet ko. Namimili ako ng dress na isusuot ko bukas ng gabi, kasi may i-mimeet akong person. At na-eexcite na ako. Hindi ko alam kung anong isusuot ko.

Andaming bagay ang pumapasok sa isipan ko, 'yong mga maaaring mangyari.

--

CAMILLE'S POV

KINABUKASAN...

Nandito na ako sa school, naglalakad sa may hallway papuntang classroom. Si Nadine nga pala, bukas pa daw siya papasok. Tinatamad pa daw siya.

Nagulat nga ako eh, hindi naman siya ganon dati. Siguro, dahil narin sa naging sakit niya? Nasanay siyang nakahiga lang. At least, bukas may kasama na ako! Yes!

May bata na namang papalapit sa akin at hindi na 'yong bata kahapon. Iba naman. May dala siyang violet na teddy bear. Maliit lang. Ganito ang itsura niya.

"Ate, pinapabigay po ni kuya na may ari nitong school

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ate, pinapabigay po ni kuya na may ari nitong school."sambit ng batang babae. Pagkatapos ay iniabot niya ito sa akin. Mukhang alam ko na kung kanino ito galing.

"Para sa akin?"tanong ko pa.

"Opo."sagot nung bata, tinanggap ko ito. Pagkatanggap ko, tumakbo na 'yong bata.

Napansin ko na may card na nakasabit, tinignan ko ito.

"Have a great day Ms. Beautiful."

Aww, ang sweet. Nakakakilig naman. Hooh, control lang Camille baka bigla kang sumigaw sa sobrang kilig.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko, may bata na namang naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. May dala-dala ding teddy bear. Maliit lang din, kulay red. Pangalawa sa mga paborito kong kulay.

'Yong bata din kahapon.

"Ate, pinabibigay po ulit ni kuya. Yung kahapon po."sabi nung bata saka inabot sa akin ang teddy bear.

"sabi nung bata saka inabot sa akin ang teddy bear

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumakbo na 'yong bata. Ako naman, dumiretso na ako sa may locker ko at binuksan ito saka inilagay yung mga teddy bear.

Ngayon ko lang narealize, sabi nung bata kanina diba MAY-ARI daw ng school. Ibig sabihin si Sky 'yon.

Teka, si Sky liligawan din ako? Ohmyghd. 'Di ko ma-carry. Pinagpapala ata ako ngayon. Pero hindi muna ako maga-assume, baka bigay niya lang talaga.

Pagkatapos kong ilagay 'yong mga teddy bear dumiretso na ako sa classroom.

Pero bago ako tuluyang makapasok...

"Camille!"tawag sa akin ng kateammate nila Charles sa basketball na si Niño.

May dala-dala siyang...

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now