Nagliwanag naman ang mukha ko, kaso may sasabihin pa pala siya.
"And then, bumili narin tayo duon na pwede kong ibigay kay Camille dahil bukas ko na sisimulan ang panliligaw sa kaniya."dagdag pa niya.
Akala ko, gaganda na 'yong mood ko eh. Hindi pa pala. Slight lang mga 2% lang.
"Ano, game?"tanong ni Kuya Sky. Tumango nalang ako, ayoko naman siyang tanggihan. Kasi, kanina naman pumayag akong tulungan siya na magcourt kay Ate Camille.
Just accept the truth na wala ka ng pag-asa sa kaniya Sophie.
CHARLES' POV
Nasa kalagitnaan na ako ng daan pauwi sa bahay, nang biglang nagvibrate muli ang phone ko.
Sino ba 'tong tao na 'to? Related ba siya sa akin o kung ano man?
Itinigil ko muna ang sasakyan ko, ayoko kasing nagpho-phone habang nagda-drive. May pake naman kayo sa akin diba? I just wanted you to know lang naman.
Binuksan ko ang phone ko, at ang nagmessage na naman sa akin ay 'yong kanina rin.
Ang message naman niya ngayon ay ito.
"HINDI MO BA AKO NA-MISS?"
Sino ba talaga 'to? Paano ako nakilala nito? Wala naman akong kakilala na umalis ng Pilipinas. Nakapagtataka.
Nireplyan ko 'yong number na 'yon.
"Sino ka ba?"
Pagkatapos ko ito i-send, nagpatuloy na ako sa pagda-drive.
CAMILLE'S POV
"Nadine, buti naging successful 'yong operation mo. And see, maganda ka parin hanggang ngayon. Walang nagbago. Hindi ka na ganuong kapayat."sabi ko kay Nadine.
"Hay nako Camille, alam mo parang mas maganda ka na sa qkin ngayon. Kundi lang talaga ko nagkasakit nako. Mas maganda parin ako sa'yo."pagbibiro pa niya.
"AHAHAHAHAH."natawa nalang kaming dalawa.
"Ay Camille, wait lang may nagmessage sa akin. Check ko lang."paalam ni Nadine.
"Sige lang."sagot ko.
Nakita ko 'yong reaction ni Nadine habang nakatingin sa phone niya. Parang kinikilig ba.
"Si James ba yan?"tanong ko.
"Secret."sagot niya saka itinago na ulit ang phone niya.
"Kagagaling lang sa sakit, pumapag-ibig na agad."sabi ko pa.
Kung saan-saan kami naglibot, bili dito, bili diyan at kung ano-ano pa. Sinulit namin ang mga oras. Pansin ko parin sa kaniya na hindi pa siya ganuon kagaling, minsan tumitigil pa kami dahil mabilis siyang mapagod.
Bakit kaya hindi niya kasama si James? Lagi silang magkasama non eh.
SOPHIE'S POV
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 42 ❤ PAGBABALIK
Start from the beginning
