Rinig ko ang paghinga nito sa kabilang linya na wari'y sinunod nito ako.

"Just drive a little faster, Lito,  baka mapano na yun."
Utos ni Mama kay Manong.

In 654321 minutes ay nakarating din kami sa bahay nila Yvette.

Nakita namin syang nakatayo sa salas ng bahay nila di maipinta ang mukha at nanghihina.

Naku talaga!  Lagot talaga sa'kin yung Jeric na yun! Inoff ba naman yung phone nya!  Tss!

"Dyos ko! Pumutok na yung panubigan nya! Kargahin mo nalang sya, Lito!"
Sigaw ni Mama.

Di ako makahinga sa sobrang kaba.

Mabilis namang tumalima si Mang Lito. Kinarga nito si Yvette na parang bagong kasal at dahan-dahang isinakay sa sasakyan.

Mabilis naman akong sumunod sa kanila. Nang makaupo na ako sa tabi ni Yvette ay biglang sumakit ang tiyan ko. Napangiwi ako.

"Are you okay, Hija?"
Nag-aalalang tanong ni Mama sa'kin nang makita ito.

Tumango ako.
Agad rin namang nawala yung kirot.

Sinabihan ko ang isang kapitbahay nila Yvette na kapag umuwi yung magaling nyang fiance ay sabihing dinala namin sa pinakamalapit na ospital si Yvette dahil manganganak na ito.

Nang makarating kami sa ospital ay agad na pinahiga sa stretcher si Yvette.

Nagsisigaw pa yung bruha.

"BRUHA! SAMAHAN MO KO SA LOOB!"

"Ano ka ba, Vette!  Baka manganak ako ng di-oras pag sumama pa ako sa'yo sa loob eh!"

"AAAAHHHH!  I SWEAR!  MASAKIT, BRUHHHAA! "

Kinabahan tuloy ako nang humagulgol ito.

Sobrang sakit ba talaga?

Parang ayaw ko na atang manganak!

Ipinasok na si Yvette sa delivery room.

Naalala ko si Jeric.

Mapapatay ko talaga sya! 

Ito yung oras na pinakakailangan ni Yvette ang presensya nya pero wala siya!

Kahit naman nasa trabaho sya ay di nya naman sana inoff yung phone nya, di ba? Para in case of emergency ay makokontak siya agad ng bestfriend ko!

Katulad nalang ngayon!

Tss! Lagot talaga sya sa akin mamaya!

Makikita nya kung pano magalit ang isang buntis!

Ilang oras ang lumipas.  Di na ako mapakali sa labas ng delivery room.

Kamusta na kaya si Yvette sa loob? Paano kung di niya kayanin? Paano kung—

Napabuntong-hininga ako sabay iling.

My bestfriend's a fighter! Kakayanin niya ang panganganak!
Tama! Hindi dapat ako mag-iisip ng negative!

"K-Kamusta ang mag-ina ko?"

Napabaling ang atensyon ko sa humahangos na si Jeric.

Awtomatikong napasimangot ako nang makita siya.

Lumapit siya sa'kin at nagtanong ulit.

"Kumusta si Yvette? Ang baby namin?"

Nagsalubong ang kilay ko at pinanliitan siya ng mga mata.

"Kumusta?!  Tss! Alam mo bang halos mamatay na yung asawa mo ay hindi— FIANCEE pa pala!  Ilang beses ka niyang tinawagan pero di ka makontak! Kung wala ako ay sino nalang ang tutulong sa kanya ha? Ano'ng klaseng fiancee ka?!"

"Hija, kumalma ka.  Makakasama yan sa baby mo."
Paalala  ni Mama sa'kin.

Tumahimik ako pero masama pa ring tinatapunan ng tingin si Jeric na nakatungo ngayon.

"Pasensya na talaga.  Di ko kasi namalayang lowbatt na pala yung cellphone ko. Di ako mapakali sa trabaho kanina kaya umuwi ako. Wala si Yvette. Kaya nagtanong ako sa kapitbahay kung san sya at sinabing dinala raw sya dito kasi manganganak na daw. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko habang papunta rito. Masaya, kasi makikita ko na rin yung magiging anak namin, at kinakabahan, kasi sabi ng nanay ko na kapag manganganak na raw ang isang babae ay nakabaon sa hukay ang isang paa nito. So alam kong may posibilidad na manganganib  ang buhay ng mag-ina ko. Kaya pasensya na talaga kung natagalan ako. Wala nga siguro akong kwentang fiance ng kaibigan mo, Camille. Dapat kasi'y sinugurado kong full ang battery ng cellphone ko kanina bago umalis ng bahay."
Mahabang explanation ni Jeric sa amin.

Nawala tuloy yung galit ko sa kanya.

At parang piniga yung puso ko nang may marealize ako sa narinig. Napakaswerte ng bestfriend ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagmamahal para sa kaibigan ko at sa magiging anak nila.

Eh ako?  Isisilang ko na lang tong anak ko na walang kinikilalang ama. Napakalungkot isiping lalaki siyang walang ama, at baka ay kutyain siya ng ibang mga bata. Ayokong mangyari sa anak ko 'yun.

Kung san ka man ngayon Ken, sana ay bumalik ka na.

Isang buwan na lang at isisilang ko na ang anak natin.

Pero ang tanong,
BABALIK KA PA KAYA?

Napabuntong-hininga ako.

Makalipas ang ilang oras ay isinilang ni Yvette ang isang malusog na baby girl.

Nakangiting nakatingin ako sa kanila.

Kitang-kita ko sa mga mata nilang dalawa ang lubos na kaligayahan habang nakatitig sa sanggol na nasa mga bisig ng kaibigan ko.

Masaya ako para sa kanila. Sobrang nagpapasalamat din dahil matagumpay na isinilang ni Yvette ang sanggol niya.

Habang nasa biyahe pauwi ay napaisip ako.

Kung 'di ko naging asawa si Borgy at makikilala ko pa rin si Ken, ganun rin ba kasaya gaya nina Yvette at Jeric?

I shook my head.

Hanggang ilusyon nalang ako.

Enough with all your illusions and dramas, Camille.

Ang importante sa ngayon ay naipanganak na matiwasay ng kaibigan ko ang baby niya.

Parang excited na rin akong makita ang anak ko.

Napangiti ako sabay hawak sa tiyan.

Konting kembot nalang baby, makikita na rin kita.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now