CHAPTER 41 ❤ LIGAW

Start from the beginning
                                        

"O, Kuya Sky bakit?"sagot ni Sophie nang makalabas siya.

"Pwede mo ba akong tulungan?"tanong ko rito.

SOPHIE'S POV

"Pwede mo ba akong tulungan?"tanong ni Kuya Sky.

Biglang nagliwanag ang mukha ko, pagtinulungan ko siya ibig sabihin makakasama ko siya. Gora na 'to!

"Oo naman, ano ba 'yon?"nakangiti kong sagot.

"Pwede mo ba akong tulungan na ligawan si Camille?"nag-aalangang tanong pa nito.

After kong marinig 'yon, bigla nalang parang napunding ilaw ang ekspresyon ng mukha ko. Pero, hindi ko nalang masyadong ipinahalata 'yon. Parang tumigil ang mundo ko ng panandalian.

Marami namang bagay na pwede ko siyang tulungan, pero bakit 'yon pa? Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya talaga si Ate Camille.

Wala din naman akong karapatang magalit. Baka hindi lang talaga siya para sa akin. Better luck next time Sophie.

"Ano? game?"tanong pa ni Kuya Sky.

"Game!"masiglang sagot ko nalang kahit deep inside masakit, nakakalungkot.

"Maraming salamat talaga!"masigla nitong sabi at hinawakan pa ang magkabila kong balikat.

MILLISETH'S POV

Kababalik ko pa nga lang sa school tapos bad news na kaagad? Myghd. Hindi lang bad, SUPER BAD at nakakapag-init ng dugo at laman.

Paano, ang balita sa akin ng reporter ko na estudyante dito na pinapasweldo ko para alamin lahat ng nangyayari dito, narinig daw niya nung nag-uusap sina Sophie at Sky na, nagpapatulong si Sky na ligawan si Camille.

Nako Camille, nako! Kung kilala mo lang talaga ko. Baka ngayon, inaayos mo na ang mga papeles mo para magtransfer sa ibang school.

Humanda ka, aagawin mo talaga si Sky? Pwes, let's see kung itutuloy mo pa Sky ang panliligaw kay Camille.

Kayo, kayong mga nagbabasa nito ngayon. Sinasabi ko sa inyo...YOU DON'T KNOW ME!

Humanda ka, nagbalik na ako. Tapos na ang suspension ko. Masisira na ulit ang araw mo. Hanggang nandito ako, hindi magiging maliwanag ang buhay mo.

CAMILLE'S POV

Sa classroom...

Naloloka na ako dito ngayon. Paano ba naman kasi itong si Sky, idinikit niya 'yong upuan niya sa upuan ko. Ganon din si Lawrence. At ang ikinagulat ko naman. Si Charles na nasa may sulok ay pinalipat ang estudyanteng nakaupo sa may harapan ko at duon siya naupo.

Ano bang nangyayari sa mga lalaki na 'to? 'Di ko masense eh. I'm dense.

Aral

Aral

Aral

Aral

Aral

KRIIING!

Yes, lunch narin sa wakas. Makakagalaw narin ako ng ayos. Hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga ng ayos dahil sa mga lalaking nakapalibot sa akin. Sana nandito si Nadine para wala 'tong tatlo na 'to sa tabi ko. Hays.

Tumayo na ako...

"Sabay na tayo Camille."anyaya ni Lawrence. Tapos sasagot sana ako kaso...

"Mr. Gonzales, 'wag kang umasta na parang kayo na ha. Hindi pa kayo."seryosong sambit ni Charles na ikinagulat ko. Ano ba, 'wag naman kayong ganiyan.

Ang ginawa ko, mabilis nalang akong tumakbo para makaalis sa harap nila. Nasu-suffocate ako eh.

Hooh! Ang hirap pala pag lumelevel-up ang ganda ano? Charot lang! Kakain na nga lang ako. Nababaliw na ako.

"Hi Camille."rinig kong sambit ng isang babae. Kaya tumingin ako sa likuran ko. "Miss me?"nakangising sambit nito.

Si Milliseth, oo siya nga. 'Wag ka ng dumagdag pa sa magulo kong isip. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

SKY'S POV

Mukhang nakakaamoy ako ng away, kailangan ko na silang harangin bago pa talagang matuloy.

"Mga brad, relax lang. Huminga ng malalim."sabi ko saka hinawakan ang magkabila nilang balikat.

Bigla nila itong tinanggal at inirapan pa ako saka lumabas ng classroom.

Aba't kakaiba din 'tong mga lalaki na 'to ah! Mukhang dalawa ang makakaribal ko kay Camille.

CAMILLE'S POV

Nang matapos ang lunch, bumalik na ako sa classroom at kanina ko pa ipinapanalangin na sana mag-uwian na. Para makalayas na ako sa harap ng tatlong 'to. Kaso, nandun nga pala si Charles sa bahay. Makikita ko parin siya.

KRIIING!

"Class dismiss."sabi ng prof namin kaya lumabas na ako kaagad ng classroom at pinuntahan si Sophie sa classroom niya.

"O, ate Camille. Bakit hingal na hingal ka?"takang tanong ni Sophie saka ako inabutan ng tissue.

"Kailangan ko lang makatakas sa classroom, cleaners ako eh."pagsisinungaling ko nalang.

"Camille!"

Parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon ah. Tumingin ako sa may gawi kung saan may tumawag sa pangalan ko... At pagtingin ko.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now