CHAPTER 41 ❤ LIGAW

En başından başla
                                        

"AHHHHHH!"tumili nalang ako bigla, ewan ko ba. Naloloka na 'ko. Ganito ba talaga ang nararanasan ng magaganda? Relate kayo?

"Aish, ang sakit sa tenga non."murmur ni Sky.

"Sorry naman."paumanhin ko.

"Bakit ba bigla kang tumili?"tanong pa niya.

"Eh kasi naman, ano kasi. Secret lang natin 'to ah."sabi ko kay Sky, hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko.

"Sige, sabihin mo na dali."sagot nito.

Tapos, ibinulong ko sa kaniya na liligawan ako ni LAWREEEENCE! Myghd.

"Weh?"para bang hindi pa siya naniniwala. Nag-iba 'yong reaction ng mukha niya.

"Oo nga."sabi ko pa.

"Mauuna na muna ako, may kailangan pa akong gawin."biglang paalam ni Sky at hindi na hinintay ang aking sagot nagpatiuna na sa paglakad. Anong nangyari don?

LAWRENCE'S POV

Nagtatago lang ako sa may malaking puno, na nakapwesto sa may tabi ng hallway. Sinisilip ko kung anong nangyayari dun sa bata saka kay Camille.

Narinig ko 'yong sinabi nung bata na HINDI KATANGKARAN. Hays, ano bang problema sa height ko? Kahit hindi ako katangkaran, gwapo naman ako. May panlaban parin ako. Tapos, itong si Camille nahulaan kaagad dahil sa height.

Balak ko 'tong gawin araw-araw kay Camille, para hanggang sa huli malaman niya na gusto ko talaga siya. Hindi lang gusto, kundi MAHAL na.

Na-realize ko 'yon nung nakikita kong palagi nalang silang magkasama ni Charles, hindi ko na siya naaaya.

Sa tuwing nasa classroom kami bigla nalang akong napapatingin sa kaniya. Para bang hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikitang nakangiti.

Naramdaman ko na 'to noon sa kaniya, para idinedeny ko lang. Dapat kami na ngayon eh.

CHARLES' POV

Andito ako ngayon sa may court kasama ang mga ka-teammates ko.

"I need to tell you something."panimula ko habang nakaharap sa mga kaklase ko.

"Hindi talaga KAMI ni Camille."siwalat ko.

"Weh?"sagot nilang lahat. Nagtinginan pa. Hindi nga nila nakitang niligawan ko eh.

"Oo. Pero, mangyayari din ang totoong kami."dagdag ko pa.

"Anong ibig sabihin mo Captain?"tanong ng isang kateammate ko na si Calvin.

"Tutulungan niyo 'ko sa panliligaw kay Camille."sagot ko.

"Yoooowwwwn!"sigaw nilang lahat.

"Ayoko ng palpak."sambit ko pa.

SKY'S POV

Ano na naman 'tong narinig ko? Nung papasok na ako sa court may narinig akong sinabi ni Charles. LILIGAWAN daw niya si Camille? Pero bakit? Diba ayaw niya kay Camille?

Di talaga 'to dapat mangyari!  Kailangan kong kausapin si Sophie. Agad akong bumaba at pinuntahan si Sophie.

"Sophie!"tawag ko nang makarating ako sa classroom niya.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin