"I'm glad you're okay now ."
Sabi pa ni Mama sa kanya.

"T-tita —huk. T-tita. I'm so-sorry."
Humahagulgol na sabi agad ni Trixie kay Mama sabay yakap rito.

"Hush! It's okay, darling. Nangyari na ang nangyari. Let's just accept the reality and move on."

Humiwalay ng yakap si Trixie kay Mama.

"It's my fault, Tita!"
She cried out.

Tumingin siya sa akin habang patuloy na naglandasan ang mga luha mula sa mga mata niya.

"I-I'm sorry, Camille."

Ngumiti ako sa kanya at ginagap ang isang kamay nya.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Trixie. Gaya nga ng sinabi ni Mama, nangyari na ang nangyari."
Sabi ko.

Umiling sya.

"N-No! I-It's r-really — MY FAULT! Kung hindi dahil sa akin ay hindi mangyayari 'yun kay Borgy! Buhay pa sana siya ngayon! Sorry Tita! Sorry Camille!"

Niyakap ko siya at inalo.

"Manang! Ikuha mo muna sya ng isang basong tubig please."
Utos ni Mama sa katulong.

Nang bumalik ang katulong ay pinainom muna namin si Trixie para kumalma sya.

"I want to hear the story behind the accident, Hija. Ano ba talaga yung nangyari? Bakit nahantong sa ganun? Why are you blaming yourself?"

Humiwalay sa yakap ko si Trixie at humarap kay Mama.

"N-Nung gabi pong 'yun, sinugod ako ni Borgy sa condo ko. He was mad. Really really mad. Ipinakita nya sa'kin yung video."
Tumingin sa'kin si Trixie after saying the last line.

"-Camille, I'm sorry for being such an ass! It was me who sent that video to you, using Borgy's account."

"So I was right. Nagkaroon na ako ng hint that night, na hindi si Borgy yung nagsend nun kundi ikaw kasi pangalan mo ang huling sinambit niya the moment he discovered that I have that video."

"Wait! What video? "
Nagtatakang tanong ni Mama Fely sa amin.

"I-It was our sex video, Tita."
Nahihiyang sagot ni Trixie.

Napasinghap si Mama.

"What?! Yours and Borgy's sex scandal?!"
Di makapaniwalang tanong ni Mama.

Malungkot na tumango si Trixie.

"B-But t-that happened a year ago,Tita."

Napahilot si Mama sa sentido sa pagkabigla.

Totoo nga yung sinabi ni Borgy na nung isang taon pa yun.

"Then what happened next?"
Tanong ko kay Trixie.

"Nag-away kami ni Borgy dahil dun. He dragged me inside his car. Gusto nyang mag-apologize ako personally sa'yo Cam. But because of my pride and stubbornness, di ako pumayag! He locked his car para di ako makalabas nun. -"
Napahinto si Trixie sa pagkukwento at humagulgol ulit.

" I really didn't wanna apologize to you that time, Camille. Ang tanging iniisip ko nang mga oras na 'yun ay matatalo ako kung hihingi ako ng tawad sa'yo! Damn this effin' pride of mine! G-Gusto ko lang naman na balikan ako ni Borgy eh! He was my one great love!"

Naiintindihan ko siya. Nagmahal lang naman siya eh. At sabi nga, you can do crazy things because of love. Katulad ko, nagmahal agad sa isang estranghero kahit may asawa na akong tao. And worse, kapatid pala ito ng asawa ko! And now my life's doomed. Habangbuhay ko na sigurong pagdudusahan ang ginawa kong kasalanan.

"- Mahal na mahal ko si Borgy! Pero ikaw yung mahal niya, Camille! And it damn hurts so bad! I was furious and jealous, but hurting at the same time!"

Nabalik ang atensyon ko kay Trixie nang ngumawa na naman ito.

"But I was so dumb! I-Inagaw ko sa kanya ang manibela. Gusto kong bumalik ng condo ko nun dahil nga ayokong humingi ng sorry sa'yo, Camille."
Naihilamos ni Trixie ang mga kamay sa mukha at humagulgol.

"-I-I A-AM S-SO SORRY TITA, CAMILLE! I DIDN'T KNOW IT WAS THE LAST TIME THAT I'LL SAW BORGY! IT WAS MY FAULT!"

Palakas ng palakas ang hagulgol nito dahilan upang pati ako ay yumakap na rito upang pakalmahin ito.

"N-Nabunggo kami nun sa isang malaking puno! Then it went black! I-Im sorry Tita! I-Im sorry, Camille! A-Ako ang pumatay kay Borgy!"

Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Hearing her sobs. Thinking about how Borgy died and how he really wanted us to be okay. He was not that bad though. Siya pa rin yung Borgy na mahal ako.

Pinahid ko ang mga luhang nagsimulang tumakas sa mga mata ko. Inuusig ako ng konsensya ko.

I'm sorry, Borgy.  Tama si Ken, I am a whore, cheating wife! I'm sorry. I really am.

"Tita, kung gusto niyo akong sampahan ng kaso ay tatanggapin ko! I deserve to be in jail for what I did!"

Ginagap ni Mama ang mga kamay nito.

"Hija, kahit sobrang sakit ang mawalan ng anak ay hindi ko kayang ipakulong ka! I just hope you'll learn from what had happened."

Tama si Mama, di na maibabalik ang isang buhay na nawala na, sana naman ay natuto na si Trixie sa pangyayaring iyon. Sana ay magbago na siya.

Sa totoo lang, di ko makapa sa puso ang galit na dapat ay maramdaman ko sa kanya dahil sa ginawa nya eh.

Siguro dahil naiintindihan ko sya.

Nagmahal lang din naman sya eh.

Kapag talaga puso na ang nanaig, wala ka talagang depensa laban dito. Makakagawa ka talaga ng isang bagay na alam mong pagsisisihan mo. But loving someone isn't regretful, it's the best feeling you can ever feel!

"Pinapatawad na kita, Hija. I understand. Sana lang ay wag mo nang uulitin 'yun sa iba. Alam kong pinapatawad ka na rin ng anak ko ngayon kasi nakikita namin yung totoong pagsisisi mo."
Lumuluhang sabi ni Mama sa kanya.

"S-Salamat, Tita. Pinapangako ko pong magbabago na ako! Waah– maraming salamat talaga, Tita!"

Kababakasan ng guilt at saya ang mukha ni Trixie. Niyakap nito ng mahigpit si Mama bago ako binalingan.

Nginitian ko siya at ako na ang kusang yumakap sa kanya.

"Hindi ko makapa ang galit sa puso ko para sa'yo, Trix. Sa kabila ng narinig namin ngayon, sino ba naman ako para ipagkait sa'yo ang kapatawaran, di ba? Diyos nga paulit-ulit tayong pinapatawad sa mga kasalanan natin sa Kanya, ako pa ba na isang hamak na tao lang? "

Humagulgol ulit sa balikat ko si Trixie.

Inaalo ko ito na parang batang pinapatahan.

Yung pakiramdam na nalulungkot ako pero masaya.

Nalulungkot ako sa nangyari kay Borgy, pero masaya dahil parang may nabunot na maliit ngunit mabigat na tinik sa dibdib ko.

Nabuhayan tuloy ako ng pag-asa na magkakaayos rin kami ni Ken.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now