"Wag ka na kasi matakot, bruha! Aish! Susugurin ko na  talaga 'yang Borgy na yan! 'Di porket asawa ka niya ay malaya na siyang gawin yun sa'yo! And what ?! He accused you of having an affair with someone?!"

Napabuntong-hininga.

"Totoo naman siya ng akusa eh. Nagkaroon naman talaga ako ng affair with some man eh. A one-night affair with Ken, the man I fell in love with."

My tears started to fall again when I remember Ken.

"–Mali man sa paningin ng ibang tao at ng Diyos yung nangyari, for me it was my most beautiful mistake! Hindi ako nagsisisi sa nangyari. Nagsisisi lang ako ngayon dahil nagsinungaling ako kay Ken, parang pagsisinungaling na rin kasi ang paglilihim ko sa kanya eh! Masisisi mo ba ako bruha? Sa kanya ko lang naramdaman yun eh!"
I started to sob.

"Hey! Don't cry! Oo, mali yung nangyari sa inyo. But I couldn't blame you, nagmahal ka lang. Lahat tayo ay mahina pagdating sa pag-ibig, kaya naiintindihan kita bruha. By the way, have you already confronted your husband about the video?"

"Not yet. Alam mo namang galit agad ni Borgy yung bumungad sa'kin kanina."

Yvette sighed on the other line.

Ilang sandali lang ay may narinig akong tumigil na sasakyan.

"Vette, usap nalang ulit tayo next time. Si Borgy na siguro yung dumating."

"Wait bru–"

Di ko na pinatapos si Yvette, pinatay ko na agad yung tawag.

Bumaba ako para salubungin ang asawa.

Napahinto ako sa panghuling baitang ng hagdan nang makitang may kasama itong lalaki.

Actually, nakaalalay ito sa asawa.

"You must be his wife?"
Tanong nung lalaki sa'kin.

Tumango ako.

"I am Paulo. Borgy's childhood friend. He came into my office earlier. Mukhang problemado, at nagyaya siyang magbar. Sinamahan ko siya, and he drank too much. I am very sorry for this. Di ko siya.mapigilan eh."

"No, it's okay. Ako na ang bahala sa kanya. Salamat pala sa paghatid sa kanya ah?"
Sagot ko habang papalapit sa kanila.

He laid Borgy on the couch.

"Don't mention it. I just did my part. Sige, magpapaalam na ako. It's already late na rin kasi."

"Sige. Salamat uli."

Sinundan ko pa ng tingin si Paulo hanggang sa nakaalis na yung kotse nya.

Napasinghap ako sa pagkabigla nang paglingon ko sa kinaroroonan ni Borgy ay nakaupo na ito sa sofa at masamang nakatingin sa'kin.

I gulped.

Kinakabahan man ay nilapitan ko sya.

"Hindi ka ba nagugutom?"
Tanong ko sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin ng masama.

Nagsisimula na namang binundol ng kaba ang dibdib ko.

"G-Gusto mo na bang pumanhik na sa itaas at matulog? T-tara? Aalalayan kita papanhik sa taas."

Akmang hahawakan ko na siya pero tinabig niya lang ang kamay ko.

He got up and started to walk.

Hindi na matuwid ang paglalakad niya dala ng kalasingan.

I sighed.

A Night With My Husband's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon