Malungkot na naupo ako sa tabi ni Anna habang nakatingin kay Tatay.

"May problema ka ba ,anak?"
Tanong ni Tatay nang mapansing nakatitig lang ako rito. I smiled cheaply and shook my head.

"W-Wala po."

Kahit gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Borgy ay pinigilan ko ang sarili.
Naalala ko kasi ang banta nito sa'kin kanina. Sa bagong Borgy na nakilala ko ngayon, I knew he's not making idle threat. Kaya mas mabuting sarilinin ko nalang ang problema.

Limang araw din akong 'di lumalabas ng bahay sa takot na makasalubong ko si Ken. Gulong-gulo na kasi yung isip ko ngayon.

Uunahin ko muna yung problema ko kay Borgy. I assume, Borgy was sexually and mentally ill! Pagbalik ko ng Manila, aalamin ko talaga ang lahat ng katotohanan tungkol sa asawa.

"Nak, pwedeng pasuyo?"
Tanong ni Tatay sa'kin habang nililibang ko ang sarili sa pananahi ng kurtina.

"Ano ho yun, Tay?"

"Pakibili naman nitong gamot ko oh?"

"Oo naman, Tay! Ikaw talaga!"

Nakahinga ako nang maluwag nang makauwi ng bahay na di nakikita ni anino ni Ken.

Buo na yung desisyon kong iwasan na sya.

Nung gabing din yun ay naisipan kong pumunta ng bar. I just wanted to calm myself.

"One glass of tequila please?"
I ordered.

Nang maiserve na yun ng bartender sa'kin ay diretsong nilagok ko iyon.

"Wew!"

Awtomatikong nalukot ang mukha ko nang malasahan ang pait ng alcohol sa lalamunan.

Hindi ako palainom, and it's my first time going in a place like this. Nalaman ko lang kung ano ang gagawin pag nasa ganitong lugar dahil sa mga nakikita ko sa tv.

"Isa pa nga!"
Sigaw ko sa bartender na agad namang tumalima.

Diretso ko ulit itong nilagok.

"Isa pa, kuya!"

Sigaw ko ulit nang maubos ito.

Medyo nahihilo na ako pero gusto ko pa ring uminom.

Nakita kong napakamot ang bartender. Napansin niya sigurong may tama na ako.

"Ano na?! Isa pa uy!"
Sigaw ko rito.

Wala itong nagawa kundi ang sundin ako.

Nilagok ko na naman ito.

"Isa pa, Kuya!"
Tinaliman ko ng tingin ang bartender nang nag-aatubili na naman itong sundin ako. In the end, sinunod niya pa rin ako.

Akmang lalagukin ko na ang laman ng baso nang may kamay na pumigil sa'kin sa gagawin.

Inis na tiningnan ko ito.

Nabigla ako nang makilala ito.

"STOP IT, CAMILLE! ANO BANG NANGYAYARI SA'YO?!"
Seryoso ang mukhang tanong niya sa'kin habang nagngangalit ang mga ngipin.

Napangiti ako ng mapakla. Yung taong pinakaiiwasan kong makita ngayon ay nasa harap ko na.

Di ko siya sinagot at sinubukang hablutin ang braso mula sa pagkakahawak niya pero mas lalo niyang hinigpitan ito.

I glared at him.

"ANO BA?! LET GO OF MY ARM!"

"Stop it!"
Marahas na kinuha niya ang baso sa kamay ko at diretsong nilagok ang laman nito.

A Night With My Husband's BrotherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora