CHAPTER 40 ❤ PERMISSION

Start from the beginning
                                        

"Kaya nga mamaya diba?"nakangising sagot nito.

"Sabi ko nga."sabi ko nalang at saka naupo ng ayos. Sumandal at ipinikit ang mga mata.

SA MALL...

"Anong gusto mong flavor?"tanong sa akin ni Lawrence na ngayon ay nasa counter at bumibili ng ice cream.

"Dark Chocolate."sagot ko.

"Ibinabagay mo talaga sa aura mo ngayon ano?"pambubuyo pa nito. Sinimangutan ko lang siya.

"Saan mo gustong magpunta?"tanong ni Lawrence nang makalabas na kami sa ice cream parlor.

"Parang gusto ko magbowling."sagot ko rito. Pumunta naman kami agad sa lugar dito sa mall kung saan pwedeng magbowling.

Iniisip ko na ang mga bowling pins na nakikita ko ngayon ay si Charles, na gusto kong patamaan ng bola, pabagsakin lahat.

Pinagulong ko na bola at...

"YES!"malakas kong nasambit. Napatumba ko lahat! Para bang guminhawa ang pakiramdam ko. Naitumba ko si Charles!

Mga isa't kalahating oras kaming naglaro ng bowling, pagkatapos non ay nag-arcade naman kami.

"Bratatatat!"tunog ng baril na laruan dito sa arcade. Binabaril ko ang lahat ng zombie na lumalapit. Si Charles parin ang naiisip ko na binabaril ko.

"Masyado ka naman atang active ngayon?"medyo malakas na sambit sa akin ni Lawrence dahil maingay dito sa loob. Naglalaro din siya.

"Ito lang ang way para mawala ang stress ko kay Charles!"nilakasan ko rin para marinig niya.

Mga dalawang oras kaming naglaro sa arcade, napagpasyahan naman namin na kumain muna. Dahil tanghalian na.

"Saan mo gusto kumain?"tanong niya sa akin.

"Kahit saan."sagot ko nalang.

CHARLES' POV

KRIIING~

Sinagot ko ang tawag.

"Hello."sagot ko habang kumakain ng chips.

"Captain, si Camille nandito sa may restaurant na kinakainan namin ngayon. Mayroong kasamang iba. Ipinagpalit ka na ata."sambit ni Kent. Ka-teammate ko sa basketball.

"O, paki ko?"inis kong sagot.

"Eh diba girlfriend mo na siya?"tanong ni Kent. Hindi nalang ako sumagot.

"Basta sinasabi ko lang sayo. Kung gusto mo siyang puntahan at kalbuhin 'yong lalaki, andito kami sa may J.Y Restaurant."huling sambit ni Kent, pagkatapos ay ibinaba ko na ang phone ko.

Aish! Bwisit! May nararamdaman ako na hindi ko maintindihan. Para akong nagseselos ngayon na ewan! Nakakag*g*!

LAWRENCE'S POV

Nang matapos kaming kumain ay inaya ko si Camille na mag-amusement park. Kaya ngayon ay nandito kami at naglilibot.

"Masaya ka ba?"tanong ko kay Camille.

"Oo naman! Thank you Lawrence ha, napasaya mo'yong araw ko ngayon. Nawala 'yong pagkabadtrip ko."nakangiting sagot ni Camille.

"Always welcome, basta ikaw."nakangiting sagot ko naman sa kaniya.

Ilang rides pa ang sinakyan namin, pagkatapos non ay napagdesisyunan namin na umuwi na. Dahil madilim narin.

Napatigil sa paglalakad si Camille, kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin.

"Diba may sasabihin ka sa akin?"tanong niya. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.

"Ah...mamaya nalang sa sasakyan."sagot ko rito. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na sa paglalakad, papunta sa may parking lot.

Nang kami ay makasakay na...

"Camille..."panimula ko.

"Ano 'yon?"sagot niya pero hindi siya nakatingin sa akin, nakatuon ang atensyon niya sa pagce-cellphone.

"Pwede ba kitang ligawan?"diretsa kong tanong sa kaniya. Parang nakikipagmarathon ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Napahinyo siya sa pagkalikot ng cellphone niya, at dahan-dahan na tumingin sa akin. Halatang-halata sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ko.

"A-ako? L-liligawan mo?"nauutal na sabi ni Camille. Tumango-tango lang ako.

Alam kong ito na ang tamang panahon para gawin ko 'to. May nararamdaman na ako sa kaniya, dati pa. Pero mga bata pa kami nuon, kaya pinigil ko muna ang sarili ko.

Hindi naging hadlang ang itsura niya noon para magkagusto ako sa kaniya.

CAMILLE'S POV

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ito ang unang beses na tanungin ako ng ganiyan.

Nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan, nagsimula nang magmaneho si Lawrence. Hanggang sa maihatid niya ako, hindi parin ako makapagsalita.

"Siguro, kailangan mo munang mag-isip kung anong isasagot mo sa tanong ko."sabi ni Lawrence.

Hindi parin ako sumasagot.

"Sige, mauna na ako."paalam ni Lawrence.

"Ma...mag-iingat ka."sa wakas nakapagsalita narin ako. Bumusina nalang si Lawrence at tuluyan ng umalis.

Grabe, anong gagawin ko?

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto ni Sophie.

"Sophie, anong gagawin ko?"humahangos na tanong ko sa kaniya.

"Calm down Ate Camille, ano bang nangyare?"tanong ni Sophie. Isinara muna niya ang laptop niya at humarap sa akin.

"Kasi ganito, tinanong ako ni Lawrence kung pwede niya ba akong ligawan."sagot ko.

CHARLES' POV

Anong nangyari sa babae na 'yon at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Sophie. Kalalabas ko lang ng kwarto ko, napagpasyahan kong silipin ang kwarto ni Sophie at tignan kung anong nangyayari.

"Kasi ganito, tinanong ako ni Lawrence kung pwede niya ba akong ligawan."sambit ni Camille.

Anong sabi ni Camille? Liligawan siya ni Lawrence?

Aba't sa tingin niya papayag ako? Pwes, maghintay lang siya.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now