CAMILLE'S POV
Sino kaya 'yong lalaking sinasabi ni Sophie Napagpasyahan namin na bumaba at alamin kung sino 'yong lalaking iyon.
"Lawrence?"bulong ko sa sarili ko.
Pinuntahan ko sina Charles at Lawrence na ngayon ay nasa may pintuan.
"Lawrence, ikaw pala 'yan."bati ko sa kaniya. "Tuloy ka."dugtong ko. Nagtuloy naman si Lawrence.
"Hep!"harang sa amin ni Charles.
"O bakit?"walang emosyong tanong ko kay Charles.
"Sinong may sabi sayo na pwede siya dito pumasok sa loob?"sagot ni Charles.
"Ako, bakit?"seryosong sagot ko sa kaniya. Sobrang nabadtrip talaga ako sa ginawa niya, kahit simple lang 'yon.
"Bahay mo 'to? Ikaw ang may ari ng bahay na 'to?"sambit pa niya.
"Edi wag."sagot ko sa kaniya at inirapan lang siya. Saka ko Ibinaling ko ang atensyon ko kay Lawrence.
"Lawrence, hintayin mo nalang ako dyan sa labas. Mag-aayos lang ako, tapos aalis tayo."sambit ko kay Lawrence, tinanguan lang ako nito.
Tinabig ko si Charles at bumalik na sa loob at umakyat sa taas para makapaghanda na.
CHARLES' POV
Aba't, grabe talaga ang babaeng 'yon!
Galit talaga siya sakin, at mukhang sineryoso niya ang babe thing na 'yon.
Akala ko, ako ang mananalo. Wala, natalo ako ni Camille. Ibang-iba siya ngayon.
Ilang sandali pa ang itinagal at bumaba narin si Camille, dire-diretsong naglakad. Para akong invisible sa paningin niya. Tinabig pa uli ako.
"Tara na."aya nito kay Lawrence. Sumakay na sila ng sasakyan, pinaharurot na ito ni Lawrence.
CAMILLE'S POV
"Talbog pala sayo 'yong si Charles."natatawa pang sambit ni Lawrence habang nagmamaneho.
"Anong akala niya? Magpapatalo ako? Hindi ko siya pipilitin na patuluyin ka sa bahay nila."seryoso kong sagot.
"Bakit ba parang ansama ng gising mo?"tanong pa niya habang nakatutok ang paningin sa daan.
"Masama talaga, kahapon pa."nakabusangot kong sagot.
"Ano bang nangyari?"tanong pa niya.
"Ayoko nang pag-usapan pa 'yon, lalo akong naiirita."sagot ko nalang.
"Palamigin natin 'yang ulo mo, magmall nalang tayo. Malamig don."anyaya ni Lawrence. Pumayag naman ako. "May sasabihin ako sayo mamaya."dagdag pa nito. Napatingin akong bigla sa kaniya.
"Anong sasabihin mo?"tanong ko rito. Na-curious akong bigla. Hindi ko alam kung bakit, pag may sasabihin naman siya hindi naman umiiral ang kuryosidad ko. Ngayon lang.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 40 ❤ PERMISSION
Start from the beginning
