CHAPTER 36

8K 131 2
                                    

Zea's POV

Ofcourse, the time for goodbye will come no matter what. Unti unti na nga akong nasasanay sa ganito, me sending my husband away. Paulit ulit din ang lungkot ng ganitong senaryo.

"I love you Love, please take care. I'll be back soon and marry you."

"Yes, please come back and be safe. I'll wait for you. I love you Ethan!"

Masama pa rin sa pakiramdam ang makitang naglalakad palayo ang mahal mo sa iyo, pero wala akong magagawa. Bago pa man ako dumating sa buhay nya, eto na sya. Kalahi ni Captain America na nagbubuwis ng buhay. Ayaw ko man, hindi ko sya magawang pigilan.

To ease my loneliness, napagpasyahan kong puntahan ang mga anak ni Elle. Haii yung kambal na yun, namimiss ko na. Yung kambal na yun ang pinagkakatuwaan namin ni Kaela, pero ngayon buntis na rin si Kaela. Haiii, ako kaya kelan?? Kelan magiging handa?! Haiii.

"Good Morning po Ma'am Zea, wala po si Ma'am Elle."

"Ay, hindi naman sya ang pinunta ko dito. Gising ba ang kambal?"

"Ay opo maam."

"Papasok na ako ha?"

Wiii. Ang cute cute talaga ng kambal ni Elle, kung pwede lang kikidnapin ko na tong mga to. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang dalawa tapos sinend ko kay Kaela at Elle.

(Paris John & Eiffel Marie)

Zea: Hello Ninang Kaela! Hello Mama!! Haha 😂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Zea: Hello Ninang Kaela! Hello Mama!! Haha 😂

Kaela: Aiii. Ang cute cute naman nyan! Gusto ko tuloy kayo puntahan. Pakagat sa pisngi!

Elle: Mga anak ko na naman napagdiskitahan nyo. Kaela, manahimik ka sa bahay nyo. Ui Zea! Wag mo ligaligin yan ah! Gigisingin kita mamaya kapag ayaw matulog ng dalawang yan!

Zea: Pwede ko ba silang kidnapin? haha

Elle: Matapos ko paghirapan ang pag-iri sa mga yan?! Naku! gumawa ka ng sayo.

Zea: Damot!

Kaela: Kidnapin mo Zea! Tigisa tayo! Wait punta ako jan!

Elle: Naku! tigilan nyo mga anak ko please 😭 Hindi na naman sila tutulog mamaya.

Nagtagal pa ang pagkukulitan naming tatlo. Apparently, hindi pinayagan si Kaela ng asawa nya na gumala. Ako, hinintay ko na lang ang pagdating ni Elle.

"Talagang nagtagal ka ha."

"Ang ingay ni Em-em, Elle! Haha"

TRAVEL GOALS : My American DreamWhere stories live. Discover now