CHAPTER 2

10.2K 146 1
                                    

Zea's POV

SMS

From:
+639196667878
Message:

Hi 😊

Sino na naman kaya tong gago na nagtetext?! Haii naku. Deadma na lang. Patuloy ko na lang ibinlower ang aking smooth, silky hair. Maayos ang gising ko ngayon, hindi kasi ako late at saktong sakto sa alarm ang pagmulat ng mata ko.

From:
+639196667878
Message:

Hi Ms. 😊

Deadma is the art of keeping your mood all day. Malamang mga kaibigan ko lang ito o di kaya'y mga pinsan kong baliw.

Ang ayos talaga ng pakiramdam ko, may time pa rin kasi akong mag breakfast. At hindi masisira nang kung ano man ang araw na ito. I enjoyed my favorite peanut butter pancake and pork tocino rice for breakfast. Haii, super solved! Sana ganito lagi ang mornings ko.

Nakarating ako sa office ng maayos, pati buhok ko okay pa kahit nagjeep lang ako kanina. How I love Mondays kung ganito naman ka peaceful. Nakarating ako sa office na 20 minutes ahead of time kaya tumambay muna ako sa lobby. Chineck ko muna ang phone ko at nakakita ng katakot takot na dami ng text galing sa iisang number.

From:
+639196667878
Message:

Hi Ms. Mayka Zebediah Manuel 😊

---

From:
+639196667878
Message:

Hello. Ms. Mayka, please respond.

----

From:
+639196667878
Message:

I see you don't talk to the unknown. Hi Mayka Zebediah, I am Ethan.

----

From:
+639196667878
Message:

Hi. I am Ethan, the one at the US Embassy last Friday.

----

From:
+639196667878
Message:

Hi Ms. Mayka, please respond. Thank you.

----

From:
+639196667878
Message:

Okay, maybe you are busy, I'll bother you later Ms. Mayka, Have a nice day!

Gago talaga tong baliw na'to?! Paano nya bang nakuha ang number ko?! Haiii. Zea, wag sirain ang araw. Inhale, exhale. Tanggalin ang bad vibes.

Instead of playing the games in my phone, I resorted to my ipod. I just turned off my phone. Bawal kasi sa company namin ang magpasok ng kahit anong gadget sa loob ng workstations. Kaya kung mapapaaga kami, we stay in the floor lobby.

5 minutes before time, pumasok na ako sa loob at nagsimula na magwork. My officemates are teasing me kasi maaga ako pumasok ngayon. Most of the time kasi late ako, napapasarap kasi ang tulog ko. Then late ako nagigising. Well, nakakaabot naman ako hanggang sa last minute ng grace period.

I spent my whole day working productively. Isa pa, my officemates seems to notice that I'm in a good mood kaya naman niyaya nila ako mag dinner. I opened my phone so I could ask Elle for dinner, minsan kasi sa pagiging workaholic ng isang yun nakakalimot na sya. Elle is one of my bestfriend. Magkapitunit kami sa isang condo.

Kakaopen ko lang ng phone ko, derederecho na po ang pagpasok ng mga sms. Aba, talaga namang binomba na ang inbox ko ah! Kung hindi smart phone ang gamit ko malamang inbox full na ako!

"Hui Zea, anong tinitingnan mo sa cellphone mo?"

"Matapos yung pasok ng incoming texts, andami eh, maghahang ang phone ko kapag ginalaw ko."

"Kanino galing?" tanong si Sai

"Hindi ko kilala." Sagot ko

"Wow anlakas maka single no more naman nyan??!!" comment ni Sai

Inirapan ko na lang si Sai.

"Tara na nga magdinner!" Yaya naman ni Sai

"Tara na nga. Pagdating siguro natin sa kainan tapos na ang pagpasok ng incoming texts."

Naglakad na kami papunta sa mga restaurant. Natagalan pa kami mamili kung saan kami kakain. Nung makapamili na kami. Nagorder na kami. Tiningnan ko ang phone ko. Salamat naman at tumigil.

Okay, sya na ang may unlimited text. How's 168 unread messages na galing lahat sa kanya?

I just continue to take an order and chat with my officemates. Nakakaloko talaga ang nagtetext na to.

"Zea, yung phone mo parang Christmas lights." Puna ni Mark

"Wag mo pakialamanan."

"Ay, anyare? bakit madaming nagtetext?" Ceska

" Zea! Pansinin mo yunh phone mo! sasabog na!" Sai

"Wag nyo na nga sabi pakialamanan!"

Tumigil naman sila. They know me too well. Alam nilang hindi ako pwedeng galitin masyado kasi nga hindi ako mabait.

Haii, paano naman ako magtetext kung patuloy at diredirecho ang pagdating ng mga texts.

TRAVEL GOALS : My American DreamTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang