CHAPTER 1

14.6K 181 1
                                    

Zea's POV

"I'm sorry, I need to deny you this time." And a green sheet of paper was given to me.

Magalang akong umalis hawak ang papel. Arggggh! Nakakainis! Denied Visa na naman ako! Huh! Nakakayamot na.

I've toured almost all countries that needs visa. From Taiwan, Japan to Middle East to Europe yet, I was denied again. Nakakaimbyerna na ang consul! Gusto ko lang namang marating ang America!

I looked back at the people on the embassy. Napakadaming tao. Kagaya nila, gusto ko ding makarating ng America. May ilang masaya ang mukha, malamang ay na-aaprove, may ilan na malungkot, gaya ko siguro'y denied. Marami nga sa kanila ay may dala pang props, ke scrap book, pictures, o mismong mga jowa nilang sing tanda ng lolo nila.

Haii, denied. Pang-ilan ko na ba ito? Parang ayoko na talaga.

I dialed Mama's number. I need someone to talk to.

***** Calling Aaaaaaaa Mama*****

Me: Mama
Mama: Zea, ano?
Me: Ano pa? Edi denied.
Mama: Try ka na lang ulit.
Me: Ayoko na. Sunduin nyo na lang ako dito.
Mama: Osige.
Me: Bilisan nyo.
Mama: Demanding!
Me: Tapos magbook na kayo ng Trip to America nyo. Dito na lang ako magpapasko.
Mama: Para naman.
Me: Sige na. Antayin na lang kita dito Mama.

I ended the call.

Nakatingin pa rin ako sa mga tao habang nakaupo dito. Hindi ko sila lahat pinapansin. Wala akom pake! Badtrip ako, bawal ako inisin ngayon!

(Zea's current mood)

Naisipan kong tingnan ulit ang application ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naisipan kong tingnan ulit ang application ko. Na sa akin pa ang ibang papel ko. Sa inis ko, naisipan kong punitin na itong lahat. I promise. This is the last time. Ayaw ko na. Tama na yung apat na beses ako napahiya ng dahil sa visa na yan.

"Ahaiii. Bwisit kang America ka! Langya! Pwede naman akong mamatay ng hindi ka napupuntahan. Hindi ka kawalan! Bwiset! bwiset bwiset!" Sabi ko while tearing my papers

"Excuse me."

I was busy tearing my papers when somebody appeared infront of me. At nasilaw ako sa kalbong nasa harap ko. Sa tindig nya, mukha syang army or something. Baka naman goon? Hala! Pero pogi eh, so iisipin ko na lang na army sya.

"Dadaan ka? Kita mong walang daan?! Tse!"

"I'm Ethan."

"And I don't care! Lumayas ka nga sa harap ko! Can't you see I'm busy??!"

"Tearing your application??"

"Hindi kinkain ko diba?! Umalis ka nga! Ayaw ko ng dagdag badtrip! Baka pumutok batok ko sa highblood!"

"I saw you got DENIED a while ago!"

"T@ng!$! ka! Nakita mo na itatanong mo pa! Sige iispel mo pa! Yung All Caps para intense!!"

"I'm sorry. I didn't mean to upset you or something."

"Upset ang tingin mo sa akin? Hindi ako upset! Nayayamot ako!!!"

"I just wanted to help you!"

"Ayoko! Scammer ka no?! Hindi ako papauto ui! Kahit na nakaapat na denied na ako, hindi ako magpapaloko. Miski pa gwapo ka! Tse!!"

"Oh, you said I'm gwapo."

"Totoo naman. Pero muka kang mangagantso kaya lumayas ka sa harap kong bwiset ka!"

"I'll offer you something!"

"Offer offer mo ang mukha mo!"

"I promise. If you'll accept my proposal, I'm sure 100% you'll get approved. You might even have a green card!"

"Weh?!"

"I'm telling the truth. Look, just listen, I can help you. For sure, you'll get visa approved not less than 10 years multi entry! And a green card if you want!"

"Maniwala sa'yo!"

"Haiii, I'm being honest! I promise!"

"So anong gagawin? May babayaran ba ako?"

"No no, you don't need to pay."

"So ano na nga?"

"Just marry me."

"Anong just?! Gago ka!"

"I am an American Citizen! I can help you!"

"Gago ka nga! Bakit ako pakakasal sa'yo? Para sa visa?! Hindi na oi! Hindi ako desperada! Gusto ko lang pumuntang America hindi mag-asawa!"

"But that'll help you too."

"Oo, pero gago! Hindi ako papayag! Sira ulo ka! Marry mo mukha mo!"

"Please hear my intention first!"

"No! Go away! Gago! Scammer! Manloloko! Rapist!"

Sabi ko at nagtatakbo na. Naiwan ko tuloy yung mga papel. Ay hindi na bale, hindi na lang ako babalik. Mas madali magpagawa ng affidavit of loss kesa balikan ang mga papel ko. Papel lang naman lahat yun. Photocopy ng mga ginamit ko sa application.

Baliw yung gago na yun. Ganoon bang kadesperada ang tingin nya sa akin?? Porke't naka apat na akong denial?? Gago talaga. Nakakakulo ng dugo!

I just called Mama at sinabing sa restaurant na lang kami magkita. Ginutom ako ng walangyang lalaking gwapong kalbo pero scammer pala na balak pang maging rapist. Huh! Hindi nya ako maiisahan.

"Tataba ka nyan Zea. Stress eating ang tawag jan."

"Kain Mama."

"Ano na namang nangyari at denied ka?"

"Ewan ko nga ba Mama, 2 tanong lang waley na. Aba! Ang galing ng consul, 16 pa lang ako nagaapply na ako ng visa, lahat na lang kayo mayroon na pati yung apo nyo, ako wala pa din."

"Baka naman hindi pa time."

"Haii naku Mama, baka ayaw ko na. Parang ayoko na magapply."

"Grabe ka naman."

"Totoo naman Mama. Nakakayamot na yang US visa na yan. Yung Schengen ang dali ko nakuha, yung US, jusko po."

Mama laughed. Pauwi sa bahay, pinapaalaala na lang nya, na baka daw hindi pa time. Na baka daw may ibang plano naman si Lord. Gusto ko sana maniwala pero sa totoo lang, nakakapanliit ang madeny, hindi lang basta deny, apat na beses na denial. Ang hirap.

Ang pinagtataka ko lang, ano pa ba ang problema at hindi ako magrantan ng US Visa? Professional naman ako. Aba, CPA board passer kaya ako. May negosyo ding nakapangalan sa akin! Madami na akong napuntahang bansa. Ano bang problema??

Pagdating sa bahay, dumirecho na ako sa kwarto. Wala akong gustong kausapin. Nakakagago yung nangyayari sa akin . Buong pamilya ko, pati yung pamangkin kong 2 years old, may US Visa, ako wala! Nakakabwisit.

And that night, all my frustration put me to a deep slumber.

TRAVEL GOALS : My American DreamWhere stories live. Discover now