CHAPTER 16.5

8K 154 0
                                    

Zea's POV

Dahil sobrang aga ko, I decided to have a cup of coffee sa may coffee shop malapit sa office. Sinusubukan kong alalahanin ang mga nangyari. Tinitingnan ko din ang daliri ko madalas para ipaalalang hindi ako nananaginip. That over the weekend, I married a great man.

I've waited for some hours tapos pumasok na ako. I am not in a bad mood not in a good mood either. I just want to finish this work, go home. Sleep and rest. Sa dami ng nangyari last week, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Maaga pa. Wala pang tao so I decided to go through with my presentations first. Andito ako sa conference room kung saan ako magstay for 2 weeks. Magtetrain kasi ako ng paggamit ng bagong system.

"Ang aga ni ateng ah!" Sai

"Umupo ka na. Dito ka sa may unahan Sai." sabi ko sa kanya sabay turo sa upuan sa pinakauna

"Pinusuan ko yung IG post mo na nagwawakeboard! Ang amazing ng shot mo dun kay Love!" Sai

Inirapan ko na lang si Sai. I am not in the mood for long talks. Nirereserve ko ang energy ko for training later.

"Sunduin ka ni Love? Sama mo naman kami."

"Umalis na kanina. Kaya ako maaga, hinatid ko sa airport."

"Ay."

Tumigil na si Sai. Ramdam nya sigurong hindi magandang iniinis ako sa mga ganitong pagkakataon.

Nagdatingan na ang nga tao. Nagstart na rin kami sa training. Buti na lang okay yung teams na na sa akin.

"Ma'am pinapatawag po kayo ni Manager Ali sandali."

I gave the trainees a coffee break para makausap ko si Manager Ali.

"Yes Manager?"

"Can you cover for Mae? She can't come because she's sick."

"No."

"But--"

"Excuse me Manager but I'm not feeling well too. I haven't sleep yet. My head is aching like hell. My limbs are in pain. I'm really not in a good mood but I came here to do my job. So No, I won't take her job."

"Zea--"

"Sir, I am sick right now. You want a story? Fine! I got married last Thursday that's why I take a leave. We just came back from a long travel last night. And just this morning I send my husband in the airport because he needs to leave for his job. Now. Tell me, what's with Mae that I need to cover for her? If you think I'm lying, go and ask Ms. Glacielle."

Hindi nakapagsalita si Manager Ali. Hindi ako badmood, hindi rin ako good mood pero andito ako nagtatrabaho. I just don't want another job. Masyado na akong maraming dinadamdam.

"I'm sorry Manager but No, I can't take over. I'm too tired. I came here as a responsible employee doing what I should be doing."

He sighed.

"Okay then. I'm sorry."

"May I take my leave Sir?"

"Yeah sure."

Okay, hindi ako bastos na tauhan, talaga lang nakakainit ng ulo na ako ang kailangang magcover sa pagiging ireponsable ng iba. I hate that thing. I hate taking responsibilities that shouldn't be mine on the first place.

I then get back on the conference room for training. Nakakagago nga kasi kay Lily Mae binigay ang training room pero heto sya't wala.

Lunch came. Hindi ako umalis. I just asked someone to buy me a sandwhich. I'm not feeling so hungry at all. Ang gusto ko kasi talaga ay tulog at pahinga. After lunch, new set na naman ng trainees ang dumating. The afternoon went well. Natapos ang araw ko. Dumaan muna ako kay Mommy Gla para ibigay yung token namin ni Ethan sa pagpunta nya sa kasal. Kahapon lang namin binili. Isa yung bracelet. Niyaya ko muna sya magdinner ng mabilis sa isang malapit na fast food.

"Hi Ninang."

"Oh, Zea. How are you? How's the honeymoon?"

"It's fine po. Kaya lang short lived. Eto nga po pala. Token namin ni Ethan para sa inyo. Hindi kasi agad namin naaaikaso."

"Ano ba naman kayo, hindi na ito kailangan."

"Sige na po. Tanggapin nyo na."

"Sige na nga. Salamat and I'm honored to be part of your lives. Teka, mukha kang matamlay, bakit pumasok ka na kaagad?"

"Kailangan po eh. Ako po kasi ang magtetrain ng bagong system."

"Ah. Pero pwede namang ipostpone yun."

"Naku Ninang, kung alam ko lang. Isa pa tong si Lily Mae! Aba umabsent, pati tuloy team nya pinapacover sa akin ni Manager Ali kanina."

"Pumayag ka?"

"Hindi po. Hindi ko kakayanin yun. Masama din naman ang pakiramdam ko."

"Maiba ako, kelan ka magchachange ng status?"

"Tsaka na po Ninang. Aayusin muna ni Ethan ang papers duon sa kanya. Mas madali na ako dito."

"Sabagay din naman. Paano nga pala ang parents nyo?"

"Sa pagbalik na lang po siguro ni Ethan."

"Paano kung magkababy kayo."

"Naku, hindi pa po. Hindi pa kami prepared. Tsaka na po kapag okay na ang sitwasyon."

"Oh well, tama ang desisyon nyo na yan. A baby can wait, para mas maayos ang future nya. Kamusta si Ethan."

"Ayun, malungkot kami kaninang umalis sya. Kaya lang di ko naman maipakita na nasasaktan ako. Ayaw kong magalala sya kung nasaan man sya dadalhin ng misyon nya. I just promised him, I'll wait for him."

"Just have faith."

"Opo."

After our dinner, hinatid ko na si Ninang sa bahay nila. Dala ko naman kasi ang kotse ni Ethan. Pagdating ko sa unit, naiyak na lang ako. Namimiss ko na sya. At antanga ko dahil wala man lang akong nakuhang contact nya. Kahit number man lang.

Tired, restless and in deep pain, I cried myself to sleep. Hoping for a better tomorrow. Hoping to see him standing next to me again.

"Love, please be safe wherever you are. I will wait for you to come back to me. I'll wait until your arms can hug me tight again. I love you."

TRAVEL GOALS : My American DreamWhere stories live. Discover now